Jowang jowa ka na ba? Gusto mo nang makita si Mr. Right para hindi ka na nagsasayang ng oras para sa maling tao? Ito ang para sayo.

Baka naman.

Kung tutuusin hindi natin kailangan ng iba para sumaya. Dumadating lang tayo sa puntong iyon dahil nga masaya yung iba sa tuwing may kasama. Sabihin na natin na tama nga, masaya nga kapag may kasama kang iba. Pero pag nawala sila, masaya ka pa ba? Ang tunay na kasiyahan ay natatagpuan sa sarili lamang.

Pero syempre, mas masaya kung merong taong nandyan para sayo na hindi ka iiwan at handa kang mahalin, masaya man o hindi ang inyong pinagdadaanan. Yung taong laging nakakaintindi sayo kahit wala ka sa katwiran.

Yung tamang tao na sanang handang makasama ka habangbuhay.

Pero syempre, bago mo mahanap ang tama, kailangan mo munang magkamali. Kaya sa ngayon….

WANTED JOWA. Yung handang magkamali hanggang sa maitama. Wahahahah.

Baka naman. For more blogs, visit pacute.com! Happy reading cuties!