Imposibleng wala kang ka-chat kahit isa. Ang mahirap don, kapag isa lang ang ka-chat mo, mas madali kang mahuhulog dahil wala siyang kahati sa oras mo. Pero paano kung alam monh hindi ka pwedeng mahulog sa kanya? Paano mo mapipigilan yon? Ito ang ilang tips para hindi mapa-ibig ng dapat ay kausap lang sa internet!

Tip #1: Wag kang maniniwala sa mga sasabihin niya.

Tip #1: Wag kang maniniwala sa mga sasabihin niya.

Kahit anong pangbobola ang gawin niya, wag na wag kang maniniwala. Salita lang yan at madali ring macopy-paste then send sa iba. Sabihin man nating sinabihan ka nga ng ganyan, pero ang tanong ikaw lang ba? Sa dami-dami ng netizens pano ka sure na ikaw lang kausap niya?

Tip #2: Makisakay ka sa mga trip niya, pero idaan mo lang sa biro.

Tip #2: Makisakay ka sa mga trip niya, pero idaan mo lang sa biro.

Pag sinabihan ka ng crush ka niya, sabihin mo crush mo din siya with matching kadugsong na HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHA. Pag sinabi niyang seryoso siya, replyan mo rin ng seryoso ka din with matching emoji na iyak-tawa. Kung seryoso talaga siya, idadaan niya yan sa personalan. Hindi yung tamang sa chat lang naglalandian.

Tip #3: Don't get attached. Never go deep.

Tip #3: Don’t get attached. Never go deep.

Lahat ng sa chat lang, chat lang. Lahat ng dapat ay laro lang, laruin mo lang. Wag mong seryosohin kung alam mong pinaglalaruan lang ang iyong damdamin. Pansamantalang ligaya lang dahil sa excitement ng bagong kakilala at target na jowa. Pero pag nagtagal at nakuha na yung goal, magkakasawaan na. At kapag nahulog ka ng sobra, ikaw ang talo, at yun ang iwasan mo hanggang sa dulo ng landian nyo.

Pag nahulog ka pa rin after doing everything you can, handa ka na lang ng panyo para may magamit ka sa break-up niyo. Edi wow na lang at sana all kapag dinala ka hanggang personalang relasyon.

For more tips, visit our site pacute.com! Happy reading!