Tips kung pano mafall si crush sayo
lahat naman siguro tayo gustong makatuluyan yung taong gusto natin o crush natin di ba?Sa totoo lang napakahirap talaga malaman kung pano mafa-fall si crush sayo unless umamin sya sayo at sabihin nya ang kanyang tunay na feelings for you but Napakaraming ways upang mafall si crush sayo. Narito ang ilan.
- Wag kang magpapansin kalma ka lang kapag nandyan siya
Kapag andyan na crush mo wag kang masyadong pahalata na may gusto ka sa kanya, wag ka ring overacting kase minsan baka hindi sya yung tipo na gusto yung mga taong masyadong pahalata kaya mas mabuti na maging tahimik ka na lang para magmukha kang matino sa paningin nya at malay mo ito pala yung way para magustuhan ka niya di ba
- SMILE, tuwing magkikita kayo saan mang lugar dapat always mo syang ngingitian
Isa rin ito sa mga mahalagang bagay na dapat mong gawin upang mafall ang crush mo sayo. kapag always mo syang nginingitian tuwing magkikita kayo makaktulong ito para marecognized kan nya at makilala, maaaring ito ang maging way upang mas maging close kayong dalawa.
- Be yourself, dapat ipakita mo kung sino at kung ano ka talaga
At ito ang pinakamahalaga dapat wag kang magkunwari sa lahat ng bagay yung tipong magkukunwari ka na mabait kahit di ka naman talaga mabait, wag ganun kase malalaman at malalaman pa rin nya ang tunay na ugali mo kaya dapat maging tapat at tunay ka sa kanya kase pag ginawa mo ito maaring magustuhan ka niya at kung hindi man dapat maging masaya ka na lang para sa kanya.
Salamat po sa pagbabasa