Top 10 Tagalog Advice and Quotes

pacute.com-Top 10 Tagalog Quotes and Advices-1

1. Kung mahal mo talaga ang isang tao ay ipaglaban mo kahit sinisiraan man kayo ng ibang tao.

Mas malakas dapat ang pagmamahal mo kaysa sa mga masasamang sinasabi ng ibang tao. Huwag na huwag kayong magpapaapekto sa paninira nila. Magmahalan kayo na parang walang pumipigil sa inyo.

2. Kung nararamdaman mo na hindi mo na kaya, alalahanin mo ang mga taong nagpapalakas ng loob mo. Kung nawawalan ka na ng tiwala sa sarili mo, alalahanin mo ang mga taong nagtitiwala sa kakayahan mo.

Kung sa tingin mo na hindi mo na kaya, alalahanin mo yung mga taong nandyan lagi sa iyo. Hindi ka nila iiwan. Lagi ka nilang susuportahan. Maging malakas ka para sa sarili mo at para rin sa kanila.

3. Minsan talaga, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng problema sa isang relasyon o pag-ibig. Kailangan mo lang talagang maging matatag at pagkakaroon ng tiwala at pag unasa sa isa’t isa.

Hindi mawawala ang problema sa isang relasyon. Kung mahal n’yo ang isa’t isa dapat malakas ang inyong tiwala at pag-unawa sa isa’t isa dahil kung may darating man na problema a mag-kakatampuhan lang kayo hindi magkakahiwalayan.

pacute.com-Top 10 Tagalog Quotes and Advices-2

4. Sakit ay tiyak na mangyayari. Paghihirap ay opsyonal.

Ang sakit natural na sa tao yan, pero ang paghihirap yan ay dahilan na ng kapabayaan. Kung ayaw mong maghirap dapat magsikap ka lagi at gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay tama at makakatulong sa iyong buhay.

5. Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay ang pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.

Kung ikaw ay nagkamali huwag ka kaagad susuko sapagkat ito ay pagsubok lamang. Malalampasan mo rin ang mga pagsubok na ito kung ikaw ay magsisikap at magtitiwala sa iyong sarili.

6. Hindi sa taas ng edukasyon nasusukat ang pagkatao, mababa man ang pinag – aralan mo kung marunong kang rumespeto, daig mo pa ang taong edukado.

Kung ikaw ay may respeto, daig mo pa ang mga taong edukado dahil kung nakapag tapos ka man ng pag aaral o nabiyayaan ka ng magandang edukasyon kung wala ka mang respeto parang wala ka pa ring pinag aralan. Ang pagkakaroon ng respeto ay nangunguna sa kailangan ng mga tao kaysa sa pagkakaroon ng edukasyon.

7. Ngumiti ka at ipakita mo sa iba na mas malakas ka ngayon kaysa noon.

Ipakita mo sa iba na nalampasan mo ang mga problemang naranasan mo noon at para malaman nila na kaya mo ulit lampasan ang mga problema o pagsubok na dadating sa iyo.

 

pacute.com-Top 10 Tagalog Quotes and Advices-3

8. Ang panloloko ay hindi negosyo, huwag mo itong araw arawin dahil hindi ka aasenso.

Ang panloloko ay isang kasalanan. Kung ikaw ay laging manloloko maaaring masira ang iyong buhay dahil sa ginagawa mo. Sa halip na yumaman ka dahil sa panloloko baka lalo ka pang maghirap at pagsisihan mo ang mga ginawa mo.

9. Kung may problema ka na kasing laki ng barko… God will give you solutions na kasing laki ng dagat.

Kung may ga problema kang nararanasan, magtiwala ka lang sa Panginoon at magdasal sa kanya dahil hindi ka n’ya iiwan kahit gaano man kahirap ang iyong problema. Malalampasan mo ang mga problema mo dahil nasa tabi mo lagi ang Panginoon.

10. Ang buhay ay parang Adidas at Nike, “Nothing is Impossible” so “Just do it”

Kung may gusto kang gawin, huwag kang magdalawang isip na gawin ang mga gawain na gusto mo. Walang imposible sa mundo. Magtiwala ka sa sarili mo na magagawa mo iyon dahil nasa tabi mo lagi ang Diyos. Hinding hindi ka n’ya iiwan.

For more quotes and hugot lines visit us at pacute.com

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...