Top 10 Sad Quotes

1.”Lumalayo na ako kasi feeling ko di na ako importante sayo.”

Minsan kase talaga kailangan mong mamili na mag é-stay o magleletgo ka ba. Hindi dahil sa hindi mo na sya mahal. Umiiwas ka na kase alam at nararamdaman mo na parang hindi kana mahalaga para sa kanya. Mahirap ipagsiksikan ang sarili sa taong ayaw sayo.

2.”Ang sakit lang makita na yung taong nangakong hindi magbabago ay nagbago na nga.”

Hindi kana nasanay. Lahat naman kase talaga nagbabago. Yung feeling na ang okey okey nyo tapos konteng di pagkakaintindihan lang, wala na finish na. Nagbago na agad sya. Wala ka nalang magagawa kundi tanggapin nalang.

3.”Di ka ba nagsasawang maghintay sa chat niya?”

Ikaw? Hindi ka ba nagsasawa o wala ka bang balak manawa sa kakahintay ng pakealam nya sayo? Replyan ka nga hindi nya magawa, ang mahalin ka pa kaya? Pinapamuka na nga sayo dimo pa din magets? Hirap kase sa ibang tao kahit sinasampal na ng katotohanan di pa din tumitigil kahet nasasaktan na!

4.”Hindi ko kailangan ang mga taong hindi ako pinapahalagahan.”

Ou. Hindi mo kailangan ang mga taong hindi ka na nga pinapahalagahan
sasaktan ka pa! Hindi dapat tayo nag-e-stay sa mga ganyang klaseng tao. Hindi lang naman
sila yung mga taong dadating sa buhay mo, at mamahalin mo! At kung alam mo sa sarili mo
na hindi kana mahalaga. Wala na, finish na! Maging matapang ka lang na harapin ang sakit at
pait ng nakaraan at maging positibo para sa hinaharap.

5.”Nasasaktan din ako, pero mas iniintindi kita. Kase ayokong mawala ka.”

Yung kahit masaktan ka nya ng sobra mas pinipili mo pa rin sya kahet paulit ulit ka nang niloloko, binabalewala at ginagago. Nagtitiis ka pa din kase nga mahal mo sya. Wag kang magsayang ng pagmamahal sa taong sinasaktan kalang. Wag kang magpakatanga sa taong binabalewala kalang. Hindi naman maiiwasan ang masaktan pero kung sobra na, at pinagmumuka ka nalang tanga, TAMA NA!

6.”Mahal kita,pero tama na.”

Kahit na mahal na mahal mo ang isang tao, darating talaga sa puntong mapapagod ka ng kakaintindi, mapapagod ka ng maghintay sa messages nya, mapapagod kang umasa, mapapagod kang umiyak. Mapapagod kang manghingi ng atensyon sa kanya. Wala ka ng naiisip na paraan kundi ang sumuko. Wala e. Ganyan talaga ang buhay!

7.”Nawala siya kasi hindi naman talaga niya plinanong manatili.”

Iniwan ka nya kase hindi nya piniling makasama ka. Pero isipin mo  din na sadyang may mga taong hindi talaga para satin. Dadaan lang  sa buhay natin para turuan tayo. Para maging mas matatag pa tayo.

8.”Hindi mo naman kailangang mahirapan, minsan kase ayaw mo lang talagang BITAWAN kaya lalo kang nahihirapan.”

Minsan talaga may mga taong ganyan e, yung kahit hirap na hirap na sila. hindi pa rin sumusuko. Hindi bumibitaw kahet ang dami ng dahilan para iwanan! Mas gugustuhin nilang masaktan sila kesa iwanan yung dahilan ng pagpatak ng mga luha nila.

9.”Mabuti pang ipakita mong wala kang oras para saken, kesa malaman kong meron kang iba maliban saken”

Ou nga naman! Sino ba naman ang hindi masasaktan kung kahit kayo pa, meron ka ng iba! Bakit hindi ka nalang magpakatotoo. Sabihin mo na hindi ka na masaya. Bakit kailangan nyo pang magpanggap? Madali lang naman solusyunan yan e, sabihin mo lang yung tunay na nararamdaman mo. Magpakatotoo ka!

10.”Ikaw ang nangako pero ikaw rin ang sumuko.”

Kapag ganyan na yung sitwasyon, Bitaw na. Ikaw nalang yung nakakapit. Sya, bumitaw na! Napakaunfair kase talaga nang iba. Yung tipong ikaw, andame mo ng sinakripisyo para lang maging matatag kayo tapos sila, konteng pagod lang, iiwanan kana agad. Hindi nila inisip na andame mo ng reason para iwanan sya pero nanatili ka pa din!

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...