Top 10 Move On Quotes 2018

1.”Ayan, nagre-reklamo kang nasaktan ka niya! Sabi ko kasi sayo ako nalang.”

Madalas nagyayare to pag mas pinili mo yung gwapo kesa dun sa taong seryoso. Yung akala mo sa kanya ka sasaya pero hindi pala. Mas nangingibabaw sayo yung lalakeng may magandang muka kesa sa lalaking may magandang kalooban. Nasa harap mo na yung totoong magmamahal sayo. Nilingon mo pa yung lalaking mananakit lang sayo. Kaya ayan. Umiiyak ka ng dahil sa lalaking akala mo mamahalin ka ng seryoso.

2.”Kakayanin mo naman na wala siya. Iniisip mo lang kasi na hindi mo kaya, pero kaya mo naman talaga.”

Kaya nga. Kayang kaya mo naman talaga e, natatakot kalang mag-isa, natatakot kang malungkot, natatakot kang maiwanan! Date bga nung wala pa sya, kaya mo na e. Syempre kaya mo din ngayon. Nagpapadala kalang sa emosyon mo. Hindi naman kase lahat bg tao na gusto naten. Mananatiling saten. Hindi lahat nag-e-stay. Pinapangunahan kalang ng lungkot. Iniisip mo lang kung paano ka mag-uumpumpisa ng wala sya.

3.”Gustong gustong gustong gusto na kitang kalimutan, pero ang hirap hirap hirap.”

Hindi naman madadaan lahat ng problema sa biglaan e. Syempre kailangan naten ng oras para muling maghilom. Huwag kang magmadali na kalimutan ang taong minsan ka ding napasaya. Minsan mo ding nakasama. Oras at panahon ang kailangan mo. Tanggalin mo lahat ng sama ng loob mo sa kanya. Tanggapin mo nalang na hanggang dun lang kayo.

4.”Ang bilis ng oras di ko namalayan, di mo na pala ako mahal at may iba na pala.”

Sa paglipas ng panahon. Patagal ng patagal ang inyong relasyon. Unti unti nang nawawalan ng oras sa isa’t isa. Unti unti na ring nagsasawa at nawawalan ng gana. Hindi naten maitatanggi na dumadating talaga sa puntong ganto e. Yung biglang nawala nalang lahat. Magugulat ka nalang sa mga nangyare. Hindi naten namamalayan na yung taong sobra nateng minahal. Nasa iba na. May iba ng nag-mamay-ari.

5.”Hindi ka na worth it iyakan pero iniiyakan pa rin kita. Ang tanga ko lang.”

Yung kahit niloko kana, kahit ginagago kana. Iniiyakan mo pa din. Kahit sobrang walang kwenta nung taong minahal mo tapos iniiyakan mo pa? Wala e. Walang magagawa. Minahal mo ng todo yung dapat kakilala mo lang. Kahit alam mo naman sa sarili mo na di ka nya deserve at lalong hindi nya deserve iyakan, iniiyakan mo pa rin. Wag na wag mong iiyakan ang isang taong walang ibang ginawa kundi saktan ka. Ikaw yung sinayang kaya dapat hindi ka naghihinayang.

6.”Okay lang ako. Kaya ko pa. Strong ako eh.”

Mga salitang paulit ulit mong binabanggit sa harap ng maraming tao. Sa twing tinatanong ka. Sa sobrang strong mo, hindi mo pinapakita sa maraming tao na nasasaktan kana, na umiiyak ka. Pero wag ka deep inside, durog na durog kana talaga. Ewan ko nga ba kung bakit kailangan mo pang magpanggap na masaya sa harap ng maraming tao. Na kahit hirap na hirap kana, hindi mo pa rin mailabas ang tunay mong nararamdaman. Yung iba kase, mas pinipili nalang na sarilinin yung problema kase alam naman nilang walang makakatulong sa kanila kundi sarili din nila.

7.”Kung ayaw sa atin, wag na natin pilitin. Kung ayaw tayong kausapin, wag na nating kulitin.”

Kung ayaw sayo. Hayaan mo. Haha. Wag mong paglaanan ng oras ang taong tingin sayo, istorbo. Masakit pero yun ang totoo. Kung ayaw sayo. Di wag. Ganon lang. Dapat handa tayo sa mga ganyang tao. Yung parang nanjan lang din sila pag may kailangan. Pero pag wala na, ayun dedma. Wag mong pag-aksayahan ng oras kase sa huli ikaw lang yung masasaktan. Tanggapin mo na lang na iba yung gusto nyang kasama at makasama. Ayaw e. Anong agawin. Wag ng mamilit!

8.”Kasabay ng ating mga alaala ang pagpatak ng aking mga luha.”

Yung feeling na break na nga kayo tapos hanggang ngayon sya pa rin. Naalala mo pa rin sya, yung mga sweet and funny moments nyong dalawa. Yung mga away-bating situations nyo, Malinaw pa din sayo ang lahat. Malabo nga lang maulit uli. Miss na miss mo na sya pero sya wala ng pakialam. Iniwan kana. Hanggang alaala nalang ang lahat.

9.”Hanggang kailan ka magho-hold on sa taong iniwan ka na at sinaktan pa?”

Hanggang kelan nga ba? Sabagay di naman basta basta mawawala yung feelings at sakit na nararamdaman mo. Pero kung alam mo sa sarili mo na malabo at wala na talagang patutunguhan, bumitaw kana. Matuto kang bumitaw sa mga taong kinalimutan at iniwanan kana. Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Wag kang matakot umiyak. Mas maganda nga yun e. Nababawasan yung galit at sakit jan sa puso mo. Kaya iiyak mo lang hanggat magsawa ka. Hanggang maging okey kana.

10.”Hindi ka na nga mahal, di mo pa magawang iwanan.”

Bakit nga ba may mga taong nanatili pa din kahit alam nila at nararamdaman nilang hindi na sila ang gusto ng taong mahal nila? Una. Syempre mahal mo yung tao, kaya ipaglalaban mo yun. Ipaglalaban mo pa din ba kahit alam mo sa sarili mo na wala na talaga? Na kahit alam mong kahit anong gawin mo para bumalik sya, wala na talaga? Na kahit ipagsiksikan mo pa yung sarili mo sa kanya hindi ka na nya mapapansin at papansinin! Wala ka ng magagawa kundi ang sumuko pag napagod kana, at kapag nasanay ka ng wala na sya sayo. Tanggapin mo nalang na hindi lahat ng mamahalin mo. Mamahalin ka hanggang dulo.

 

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...