Top 10 Lines ng mga manloloko

“Top 10 Lines ng mga manloloko”

Bakit kaya may mga taong manloloko? Bakit kaya hindi nila magawang maging seryoso? Oo walang taong perpekto pero lahat naman siguro tayo ay dapat maging kontento kung sino ang taong meron tayo. Sapagkat wala naman sa atin ang nagnais na masaktan physically and emotionally. Life is too short sabi nga nila kaya gawin na natin lahat ng bagay na makakapagpasaya sa atin. Ngunit kailangan bang matapakan ang ibang tao upang maging masaya ka?

Top 10 Lines ng mga manloloko

10 Pomise hindi kita iiwan. (LALAYASAN LANG)

Ang pangako o sumpaan ay binubuo upang mas mapatibay ang relasyon ng magkasintahan. Ngunit mas maraming pagkakataon na nagaganap ang “promises are made to be broken”. Mapababae o mapalalaki dapat matuto tayong tumupad ng pangako nating binibitiwan kung hindi man huwag na lang tayong gumawa ng mga pangako kung hindi natin kayang tuparin.

9 Wala akong katext. (KATAWAGAN MERON)

Ang katapatan ay mahalaga sapagkat kung hindi niyo kayang maging tapat sa isa’t isa isa lang ang patutunguhan ng relasyon niyo ang hiwalayan. Para sa taong tunay na nagmamahal ang mawala sayo ang taong mahal mo ay isang napakasakit, ika nga “ wala namang taong nais masaktan at wala ding taong deserve masaktan.

Top 10 Lines ng mga manloloko

8 I’m with my friends. (GIRLFRIENDS/BOYFRIENDS)

Sa mga ganitong pagkakataon kung may iba kanang mahal, makipaghiwalay kana kay present much better kesa masaktan siya ng sobra sobra. Mas masakit kasi yung itwotwo time ka ng taong mahal mo hindi ba? And I think nobody deserves to get hurt that way. Isipin mo ikaw yung asa sitwasyon niya? Ano mararamdaman mo kusakaling itwo time ka ng mahal mo?

7 Ikaw lang talaga. (ANG NAGPAPAKATANGA)

Kapag ba nakakasakit ng damdamin ng iba dapat baa maging masaya? Hindi ba’t ugali yun ng taong immoral palibhasa sinaktan ka ng una mong nagging karelasyon ay gagawin mo narin sa iba? Di baa ng dapat mong isipin ay kung paanong hindi makakapanakit? Kasi alam mon a ang pakiramdam ng masaktan at magmukhang tanga.

Top 10 Lines ng mga manloloko

6 Cousin ko yun. (COUSIN-TAHAN)

Yung tipong huling huli na sa aktong naghahalikan tas sasabihin pinsan kapal ng mukha nuh? Oo madali magsinungaling pero “ walang lihim na hindi nabubunyag” kaya kung magsisinungaling gumawa ka ng mas magandang alibi. Yung mas kapanipaniwala yung ganito “lola ko yun” hahaha nahuli kayo naghahalikan lola mo diba mas cool! Sarap mo patukan sa mata!

5 Wala ako load. (KAKATAMAD KANG KATEXT)

Wala load pero nakareply? Anong klaseng joke yan bago yan ahh… kung ayaw katxt si bf/gf pwede mo naman sabihin sa kanya na tinatamad ka magtext mahalaga hindi ka nagsinungaling. Nung araw nab ago palang kayo hindi kayo mawalan time sa isa’t isa t tapos bigla kang tatamaring katext siya. Bakit Sawa kanaba? Sabihin mo sa kanya upang hindi na masayang oras niya sa tulad mong walang pakialam at walang kweta!

Top 10 Lines ng mga manloloko

4 Hindi kita ipagpapalit. (PWEDE NAMAN PAGSABAYIN)

Huwag na huwag magsasalita ng tapos kung hindi kayang panindigan, sarili mo lang niloloko mo. Gasgas narin lang naman yang mga lines mon a yan, yang mga banat mong yan bakit di mo nalang sabihin lolokohin kita abangan mo. Mas ayos yun kasi nainform siya na sasaktan mo lang siya o kaya may instant sampal ka or sumbat hahaha. Ang damdamin kasi ng ibang tao hindi laruan yan kung hindi mo kayang mahalin o kung hindi mo kayang pahalagahan aba ay huwag mo nalamang paglaruan. Sapagkat darating din ang araw ng sumpa este karma.

3 Kinalimutan ko na sya. (AKALA MO LANG YUN)

Ok lang naman kung maghanap ka ng taong handang damayan ka sa oras ng iyong pag-iisa sa oras na pakiramdam mo pasan moa ng mundo. Ngunit hindi naman siguro tama yung gawin mo siyang panakip butas upang malimutan moa ng sakit na iyong nadarama. Sapagkat hindi lang siya yung niloloko mo sa pagkakataong yun maging ang sarilli mo ay iyong niloloko. Sapagkat hindi ka pa nakakamove on sa past mo marapat na paghilumin muna ang sugat bago dumating yung oras na handa na muli itong magmahal ng lubusan.
Top 10 Lines ng mga manloloko

2 Miss na kita. (ASA KA PA)

Normal lamang na mamiss natin ang taong mahal natin, sapagkat hindi mo siya mamimiss kung hindi siya mahalaga sayo. Ang feeling na mamiss moa ng ibang tao ay tunay na nakakalumbay ngunit an

1 Mahal kita. (PATI SYA)

Simpleng salita lamang ngunit malaki ang naidudulot sa ating buhay, maaring ang maging masaya tayo o kaya naman ay ang masaktan tayo. Ang salitang mahal kita ay ginagamit upang makapagpasaya at hindi ang makapanakit ng iba. Kung hindi mo naman talaga mahal bbakit sasabihin mong mahal mo diba? Sabi nga ng matatanda “nilikha tayo upang magmahal at mahalin” hindi ang saktan at masaktan!

(Visited 1 times, 1 visits today)