Top 10 Best Sad Love Qoutes

1.”Ang sakit palang makita kang masaya sa kanya.”

Sobrang bigat nito sa pakiramdam. Na yung taong mahal mo. Mas masaya sa piling ng iba. Yung taong pinili mong makasama. Hindi pala sayo sasaya. Mahirap malagay sa sitwasyong hindi mo alam kung mananalo o matatalo ka. Hindi mo alam kung pipiliin ka nya. Ang hirap lumaban sa taong hindi mo alam kung ipaglalaban ka din. Ang sakit sa mata kung makita mo na yung taong mahal mo, hindi sayo mapupunta.

2.”Kung ayaw mo sa akin? Sige, iiyak na lang ako. Ikaw kasi talaga ang gusto ko.”

Pinakamasakit pag nagmahal ka. Ang magmahal ka ng taong hindi ka kayang mahalin pabalik. Yung kahit anong ipakita mong effort at pagmamahal sa kanya. Wala lang sa kanya. Hindi kase ikaw yung mahal. Kapag denedma kana. Tama na. Pinagmumuka mo lang kawawa yang sarili mo. Lalo kalang masasaktan. Kaya pag nagmahal ka. Dapat handa ka sa mga posibilidad na mangyare. Madame pa namang iba jan. Maghintay kalang.

3.”Iiwasan lang kita pero ikaw pa rin ang mahal ko.”

Kapag may mahal ka tapos hindi ka mahal. Pag-iwas lang talaga ang magagawa mo e.
Yung tipong hanggang kaibigan kalang pero umiiwas ka kase ayaw mong masaktan at umasa sa wala. Umiiwas ka kase alam mong hindi ikaw ang mahal nya kase yung taong minahal at minamahal mo, ibang tao yung gusto. Nasasaktan ka ng patago. Na walang ibang nakakaalam kundi sarili mo lang.

4.”Bakit ka pa nagmahal kung wala kang TIME para sakanya?”

Bakit nga ba? Sinasabe mong mahal mo sya tapos oras lang hindi mo pa maibigpay ng tama. Asan ang pagmamahal dun? Kung konteng oras lang dimo maibigay sa kanya? Wag kang magmahal kung hindi mo pa kayang magbigay ng oras sa isang tao, makakasakit kalang. Umaasa sya na mahal mo sya tapos simpleng oras, wala kang maibigay para sa kanya. Pagmamahal pa kaya? Niloloko mo na sarili mo. Nandadamay ka pa! Masasanay ka na lang din talaga sa kawalan ng oras nya sayo.  Kaya wala syang karapatang magreklamo pag ikaw na ang nawalan ng oras sa kanya.

5.”Bat hinde ko makalimutan yung taong matagal nakong kinalimutan.”

Kase nga mahal mo. Sya nakamove on na ikaw hindi pa din. Sya masaya na sa iba, ikaw sya pa din. Mahirap talagang kalimutan. Ang taong nagbigay ng pagmamahal sayo, sa maikling panahon nga lang. Umaasa ka pa na babalik sya? Yung tipong bawat oras hinihintay mo syang magteks sayo, sa bawat araw, umaasa ka pa din na mahal ka pa nya? Sana hindi na. Sya nga halos hindi kana makilala. Ang mahalin ka pa kaya. Tanggapin nalang mo na lang na wala ng Sya, na nag-eexist sa buhay mo.

6.”Nakakatakot pumasok sa isang relation na alam mong masasaktan ka lang.”

Eto yung pagkakamali naten e, ang isipin na ang dadating na tao para saten e, sasaktan lang tayo. Na katulad sya nung taong nanakit sayo. Hindi ka naman natatakot magmahal e. Natagakot kalang masaktan. Natatakot ka na kapag sumubok ka ulit magmahal. Masasaktan kalang. Pero kung alam mo lang naman na masasaktan ka. Dapat sa umpisa palabg iniwasan mo na. Wala e, ganon talaga. Gustuhin man naten ang maging masaya. Parte pa rin talaga ng buhay ang problema.

7.”Makita lang kitang masaya lahat tanggap ko na.”

Masakit makita na ang taong minahal mo e, masaya pag ikaw ang hindi kasama. Yung tipong ramdam mo naman na hindi sya masaya sayo, pero kinakapitan mo pa din sya. Pero ng makita mo na masaya sya sa piling ng iba. Dun mo narealize na, masaya sya kahit wala ka. Iba yung ngiti nya sa kasama nya kesa nung kayo yung magkasama. Na kahit pilitin mong maging masaya sya sayo, alam mo naman na puro pagpapanggap lang. Iba pa rin talaga pag wala kang pinipilit na tao na mahalin ka pabalik kesa sa taong alam mong hindi sya sasaya sayo. Pero pinipilit mo. Tanggapin mo nalang na yung taong pinipili mong mahalin, ibang tao din ang minamahal at hindi ikaw.

8.”Kapag hindi na sayo masaya yung tao, learn to apply these two words: “LET GO.”

Kapag nararamdaman mo na hindi na sayo masaya ang yung taong karelasyon mo. Pakawalan mo na. Kase ikaw lang din yung masasaktan. Ikaw lang yung iiyak sa huli pag pinilit mo pa sya. Hindi naman masamang maglet go kung ikaw nalang yung sumasaya sa relasyon nyong dalawa.

9.”Kung mahal mo, bakit mo binitawan? Bakit mo sinukuan?”

Hindi naman porket mahal mo yung isang tao magpapakatanga kana sa kanya. May ibang mga tao kase na pinaparamdam mo na nga ng mahal na mahal mo sya, babalewalain at lolokohin kapa. Minsan kailangan mo ding malaman ang limitasyon mo, napapagod at nagsasawa ka din kakaintindi. Hindi palaging ikaw lang yung magmamahal, dapat dalawa kayong nagmamahalan. Minsan kailangan mo talagang mawala para malaman nya ang halaga mo para sa kanya. Pag umayaw na sya, wag mo nang kulitin baka masaktan kalang pag ang isinagot sayo na I’M SORRY, I’M TIRED, I DON’T NEED YOU ANYMORE, NASAN KA NUNG KAILANGAN KITA? DIBA WALA KA KASI BUSY NA BUSY KA SA IBA NGAYON HAHABULIN MO KO PARA ANU? MAS SAKTAN PA? TAMA NA! PAGOD NA KO SOBRANG PAGOD.” Diba?

10.”Minsan kahit gaano pa kahalaga kailangan mo ng iwan talaga.”

Wag na wag mong sasayangin yung taong handang mag-effort makasama at mapasaya kalang. Dahil konteng konte nalang sila. Kahit mahal na mahal mo talaga ang isang tao kung hindi naman na kayo nagkakaintindihan. Minsan talaga aayaw ka nalang bigla e, hindi dahil sa hindi mo na sya mahal. Kundi dahil, napagod kana, sa paulit ulit na di pagkakaintindihan na naging parte ng relasyon nyo, sa araw araw. Hindi madaling sumuko, ang taong nagmahal ng seryoso, pero once na iniwasan kana nya. Isa lang ang dahilan nyan. Napagod na sya.

(Visited 8 times, 1 visits today)
loading...