Tips Para Mapansin Ni Crush Sa School

Tips Para Mapansin Ni Crush Sa School

Paano nga ba mapansin ni crush at mapalapit sa kanya? Narito ang ilang mga tips na maaaring makatulong sa inyo.

  1. Subukang kaibiganin ang iyong crush.

Kung hindi mo naman kaya ay kaibiganin mo muna ang mga taong malapit sa kanya gaya ng kanyang ate, kuya o kaya yung mga kaibigan nya. Pagkatapos niyan ay subukan mong mapalapit ka kay crush mo.

  1. Magpakitang gilas ka kay crush.

Ipakita mo ang iyong mga talents at subukang mong maging mataas ang iyong mga grades. Kapag nagawa mo na ang mga ito ay maging humble ka pa din. Huwag ka maging mayabang at baka ma-turn off agad sayo crush mo.

  1. Maging malinis ka sa katawan mo

Dapat araw-araw ay maligo at mag-toothbrush ka. Huwag na huwag mong kalimutang maglagay ng deodorant ng hindi mangamoy ang iyong kili-kili. Magpabango ka din yung tipong kapag dumaan ka sa harapan ni crush ay mapapalingon siya sa iyo sa sobrang bango mo. Dapat din laging presentable ang iyong suot sa tuwing haharap kay crush mo.

  1. Alamin mo ang mga trip ni crush

Dapat alamin mo ang mga trip sa buhay ng iyong crush upang mas lalong makilala mo siya. Kapag nalaman mo na ay subukan mong gawin din ang mga ito. Malaki ang chance na makilala ka nya kapag ginawa mo rin ang mga trip niya.

be funny - funny

  1. Be funny

Nakakadagdag ng pogi o ganda points ang mga taong may sense of humor. Kaya naman dapat maging witty ka sa mga ibabanat mong jokes. Pero huwag mo naman masyado galingan baka ang ang mga jokes mo ay maging corny na at instead na matuwa sayo si crush mo ay baka mainis pa ito sayo at ma-turn off.

 

 

Maraming salamat po sa pagbabasa…

(Visited 19 times, 1 visits today)
loading...