Tips Kung Paano Maka Move On Kay Crush

Sa panahon ngayon, hindi lang ang mga nagkajowa ang nag momove on. Nag momove on na rin yung mga taong may crush lang kahit hindi naman naging sila. Minsan, daig pa nila ang mga nakipag break up sa jowa kung makapag share ng status, makapag tweet ng mga broken hearted quotes. Kung makaemote sila parang nagkaroon sila ng jowa na nakipag break. Kung crush lang naman yan, ayos lang naman na masaktan kahit konti wag lang yung sobra sobra kasi hindi naman naging kayo. Kung nalaman mo na wala ka talagang chance kay crush basahin mo na lang itong mga tips kung paano maka move on kay crush.pacute.com-tips kung paano maka move on kay crush-1

1. Tanggapin mo ang katotohanan.

Tanggapin mo ang katotohanan na wala ka talagang chance na mapasakanya. Mas okay pa yung tinanggap mo na yung katotohanan kaysa naman na umaasa ka pa rin sa kanya na magkakaroon ka ng chance na mapasakanya. Masasaktan ka lang. Accept and move on.

pacute.com-tips kung paano maka move on kay crush-2

2. Better not Bitter.

Huwag kang magparinig. Tandaan mo hindi naging kayo. Hindi ka rin niya maririnig. Kung naririnig man niya, ang tanong may pake ba s’ya? Mag move on ka nalang. Kaysa naman maging bitter ka. Minsan kasi sa sobrang bitter ng isang tao sila pa yung nagiging masama kahit wala namang ginawa yung pinariringgan nila. Ayaw mo naman sigurong maging masamang tao diba? Mag move on ka na lang and be better. Mawawala rin ang iyong mga feelings para sa kanya. Be better not bitter.

pacute.com-tips kung paano maka move on kay crush-3

3. Know that you’re beautiful.

Kung nalaman mo na hindi ka crush ng crush mo dahil may crush s’yang iba, wag kang malulungkot. Isipin mo na lang na mas maganda ka sa crush ng crush mo. Isipin mo na maganda ka. May mga tao naman diyan na nahuhumaling sa kagandahan mo. Hindi mo alam na baka ang mga ngiti mo ay nakakapag pasaya na sa ibang tao. May posibilidad din naman na may nagmamahal din sa iyo katulad ng pagmamahal mo sa crush mo.

pacute.com-tips kung paano maka move on kay crush-4

4. Maghanap ng bagong crush.

Kung di ka crush ng crush mo, kalimutan mo na yun. Marami pang iba d’yan na “crushable” na MAS BETTER pa sa kanya, hindi mo pa lang siya nakikita. Kung ayaw mo naman maghanap kasi gusto mo ay kusa itong dadating, mag hintay ka na lang. Someday magkakaroon ka rin ng crush na magkakacrush sa iyo.

pacute.com-tips kung paano maka move on kay crush-5

5. Mag-aral ka.

Kung wala talagang pag-asa, kalimutan mo na lang muna ang lovelife. Mag focus ka na lang muna sa iyong pag-aaral. Ang problemahin mo ay yung grades mo huwag ang lovelife mo. Mas maganda ang magkaroon ng magandang edukasyon kaysa sa maganda ngang lovelife pero yung utak mo naman ay kakaunti ang natututunan kasi puro lovelife ang nasa isip mo. Mas marami ang maaakit sa iyo kung matalino ka na maganda ka pa.

Gawin mo ang mga tips na ito kung gusto mo talagang maka move-on kay crush. Syempre
opinyon ko lang ito, ikaw talaga ang gagawa ng paraan kung gusto mo talagang makamove-on
kay crush. Okay lang mag ka crush mag wag lang seseryosohin.

For more quotes and hugot lines visit us at pacute.com

(Visited 13 times, 1 visits today)
loading...