Tips kung paano mafall si Crush

     Sa lahat ng may Crush, Taas ang mga paa!!! Alam ko marami sa atin ang merong hinahangaan o crush. Pero matanong ko lang, Crush kaba ng crush mo? Halos lahat ng may hinahangan ay nangangarap, nagpapantasya at nanaginip na sana maging sila. Pero paano ka nga ba niya magugustuhan? Kung wala kang tiyaga! hindi mo siya makukuha.  Narito ang ilang mga tips para mafall ang crush mo sayo.

Tips para mafall si Crush

  1. Proper hygiene

     Unang una talaga ang kalinisan. Para magustuhan ka ng crush mo, kailangan mong maging malinis sa katawan at maging maayos sa pananamit. Kase paano ka magugustuhan ng crush mo kung mismong sarili mo hindi mo kayang pangalagaan. Baka sa halip na magustuhan ka niya, baka pandirian ka pa niya. Pero kahit wala kang crush, kailangan mo pa ring maging malinis kase ang pagiging malinis mo sa inyong katawan ay sumisimbolo sa iyong pagkatao.

  1. Kilalanin mo siya

     Alamin mo ang kiliti niya. Ang ibig sabihin nito, alamin mo ang mga bagay na nakapagpapasaya sakanya at ang mga bagay na ayaw niya. Dapat alamin mo din ung mga bagay na nakakapagpangiti  sakanya kase kung gusto mong mafall siya sayo, gawin mo yung mga bagay na magkapapagpasaya o magpapakilig sa kanya at yung mga bagay na alam mong magugustuhan niya.

Tips para mafall si Crush

  1. Make her Laugh

     Para mafall sayo ang crush mo, minsan kailangan mo ding maging awkward o kaya corny para mapatawa siya. Yung tipong pag magkasama, bigla kang babanat ng walang kwentang jokes, tapos matatawa siya. Ang sarap sa pakiramdam diba? Kase kahit na walang kwenta yung mga jokes mo pero napasaya mo siya, ibig sabihin nun naappreciate niya yung effort mo para sakanya.

  1. Asarin mo siya

Meron tayong kasabihinan na “The more you hate, The more you Love.” Yun bang pag nakikiita ka niya sira na agad ang araw niya at parang palagi siyang highblood pag dating sayo. Kase nanjan ka lang naman para asarin at kulitin siya. Kaya ang tawag niya sayo panira ng araw. Pero alam naman natin na kung sino pa yung taong kinaiinisan mo, siya din naman yung taong nagugustuhan mo diba!

Tips para mafall si Crush

  1. Show your talent

    Marami sa atin ang may itinatagong talento. Pero lalabas at lalabas din yang talent mo pag meron ka ng nagustuhan o naging crush. Yung tipong kailangan mong magpakitang gilas para mapansin at magustuhan ka din niya. Kaya kailangan mo talagang ipakita ang talent mo kase marami talaga ang nagkakagusto at humahanga sa mga taong may kakaibang talento.

  1. Wag maging mahiyain

     Para magkagusto ang crush mo sayo kailangan mong maging confident, kailangan may tiwala ka sa sarili mo para mapalapit siya sayo. Kaya kadalasan hindi nafafall sa atin ang crush natin kase hindi niya tayo kilala. Hindi niya alam ang buong pagkatao natin, at hindi niya rin alam kung paano natin siya mapapasaya. Kase nga torpe tayo! Hindi natin masabi sakanya yung totoo. Kaya tandaan kung may crush ka, wag kang mahihiya, kaibiganin mo siya para mapalapit ang loob niya sayo.

Tips para mafall si Crush

  1. Tingnan mo siya Eye to Eye

     Sa tuwing kakausapin mo ang crush mo, kailangan eye to eye palagi kayo. Kase eye to eye is a very good step para masabi mong crush mo siya. Habang tinititigan mo siya, walang kukurap. Ipakita mo yung ganda ng mata mo. Ganyan talaga ang unang paraan ng pagsabi mo sa kanya ng “I like you”. Pag umiwas siya ng tinging, hayaan mo lang kase baka nahihiya lang siya.

  1. Make your Crush feel comfortable with you

     Kailangan iparamdam mo sa crush mo na mahalaga siya sayo. Kailangan maging comfortable ang pakiramdam niya lalo na kung magkasama kayo. Yung lagi niyang mararamdaman na hindi siya nag-iisa kase lagi ka namang nanjan para sa kanya. Sa pagkakataong yun, unti unti ng mahuhulog ang loob niya sayo. Kaya konting effort, tiyaga at pagpapahalaga lang. Malay natin baka maya maya maging kayo na!

Tips para mafall si Crush

  1. Kailangan meron kayong Call-Sign

     Karamihan sa mga magjowa o magkasintahan ang merong kanya kanyang tawagan o callsign. Pero para sa magkasintahan nga lang ba yun? Kung gustong mahulog ang loob ng crush mo sayo, kailangan magkaroon din kayo ng callsign. Hindi lang yung karaniwang callsign na naririnig mo, dapat unique, kase kahit simple lang ang tawagan niyo basta kakaiba, mararamdaman niya yung pagiging special niya pagdating sayo.

  1. Maghintay ka

     Hindi lahat ng bagay na magugustuhan mo ay madaling mapapasayo, minsan kailangan mo ding maghintay. Kase meron talagang mga taong pahard to get o kaya naman hindi pa handang pumasok sa isang relasyon at meron din namang kaya ka pinaghihintay kase sinusubukan ka lang nila kung hanggang saan yung tiyaga mo. Pero hindi din magtatagal magbubunga din ang iyong pinaghirapan. Sabi nga nila “mas masarap ipagmalaki yung mga bagay na nakuha mo dahil pinaghirapan mo”.

 

Salamat sa pagbabasa at pagbisita sa aming blog. Sana ay nakakuha kayo ng idea kung paano kayo magugustuhan ng inyong crush. Para sa iba pang tips o advice, patuloy lang sumubaybay sa aming blog at  iLike din ang aming FB page PACUTE.COM . Salamat 😉

(Visited 7 times, 7 visits today)
loading...