Tagalog Love Quotes 2019

Tagalog Love Quotes 2019

Love? Sabi nila ang puso daw pwede mong turuan kung sino ang mamahalin, pero bakit hindi ko siya maturuang mahalin yung taong sa palagay ko ay mas makakabuti para sa akin? Bakit mas pinipili nito yung taong sa tingin ko ay sasaktan at wawasakin lang yung tiwalang ibibigay ko? Minsan ang weird lang talaga nuh? Kung sino yung mahal mo siya yung bumabalewala sayo kung sino yung sa tingin mo worth it para sa pagmamahal na naibibigay mo ayaw nila magtugma. Hindi naman siguro masama ang magassume na hindi ka masasaktan diba? O sya lego na sa mga drama tungkol sa pagmamahal na yan… hope magustuhan niyo..

Tagalog Love Quotes 2019 - Hugot Lines - Pacute.com

1 Ang pag-ibig ko sayo ay parang paghinga. Bakit ko ititigil kung alam kong hindi ko kaya?
Bakit nga ba ang puso kapag nagmahal pakiramdam natin hindi natin kayang mabuhay ng wala ang taong mahal natin. Pero marami na siguro nakaranas sa inyo na iwanan nang taong sinasabi niyong hindi niyo kayang mabuhay ng wala sila hindi ba? Lalo na sa mga lalaki nako po napakarami nang nabiktimang babae, “Huwag moko iiwan hah… Hindi ko kasi kayang mabuhay ng wala ka”  Nakakatawa nga lang buhay parin sila ngayon… mga sinungaling!

 

2 Minsan may mga bagay na kailangan kalimutan nalang para maging ok ulit ang lahat.
Move –on? Parang andali nuh? Hahaha ang dali sabihin kayhirap gawin, yung tipong mas matagal kappa nagmove-on sa kung gaano katagal yung relasyon niyo… hahahah. Lalo na kapag mahal na mahal mo talaga yung taong nangiwan sayo, napakahirap promise. Pero iba parin ang ibig sabihin ng mahirap sa imposible, kaya huwag mawawalan ng pagasa huwag agad agad susuko, huwag magsusuicide 😀 kasi hindi sagot sa problema ang pagpapakamatay. Darating yung tamang panahon makakamove on ka at matatawa ka nalang at mapapasabing “ang tanga ko pala nagpapakaHot sardines ako sa kanya ei ang dami-dami namang isda asa dagat”.

Tagalog Love Quotes 2019 - Hugot Lines - Pacute.com

3 Ang hirap bitawan nung taong kahit hindi kayo siya yung nagpapasaya at kumukumpleto ng araw mo!
Ang hirap talaga bitawan ng taong hindi mo naman kapit, yung tipong  Masaya ka na Masaya siya pero siya Masaya sa iba… pero ok rin lang naman siguro ang mahalaga naman Masaya siya kahit pa hindi sa piling ko. Ganun naman talaga diba, kapag mahal mo yung isang tao dapat marunong ka magparaya dapat patuto kang maging Masaya kung saan siya Masaya. Pwede ka namang maging friend  niya na pwede niyang lapitan kapag me problema siya diba? Hindi na kailangan pang maghangad pa ng higit pa ang mahalaga Masaya siya. J

 

4 Ang pinakamasakit na GOODBYE, eh yung hindi pa naririnig ng tenga mo, pero nararamdaman na ng PUSO mo.
Minsan may mga taong umaalis ng walang pasabi, pinaparamdam nalang nilang walang halaga sa kanila yung partner nila. Diba ang sama ng ugali? Pwede namang sabihing ayaw na kung ayaw na nila diba, hindi yung papaasahin sa wala yung ibang tao. Sa lalaki – kung darating yung point na ganito isiping mabuti yung dahilan kung bakit mo niligawan, kung darating sap unto na magkakabalewalaan. Sa babae naman as I said nga huwag nang paasahin si guy, ang sakit kaya nung bigla nalang niya malalamang me iba kana pala, yung tipong lumalaban siya, yung tipong ginagawa niyang positive yung thinking niya kahit ganung pinapadama mong wala siyang halaga. Isipin mo sa iyo gagawin yung ganong bagay, hindi naman malabong mangyare kasi ang karma parang teleserye yan… Kung hindi ngayon coming soon…

Tagalog Love Quotes 2019 - Hugot Lines - Pacute.com

5 Importante ba yung “I LOVE YOU” Para sakin kasi MAS IMPORTANTE KA. Pano ko masasabi yung word na I LOVE YOU kung wala ka?
Napakalinaw naman mga kuya at mga ate “Mas importante yung tao kasi paano masasabi yung word na MAHAL KITA kung wala na” Kaya matuto kayong pahalagan yung taong mahal niyo, na mahal din kayo 😀 syempre naman mahirap yung ipagpipilitan mo yung sarili mo sa taong ayaw naman sayo. Pagpapahalaga, oras at tiwala mga bagay na dapat nating bigyang pansin pagdating sa relasyon, pero wala namang taong perpekto kaya matuto din dapat tayong umunawa kung may pagkukulang man satin ang partner natin, pagusapan ng maayos, kasi walang problema ang hindi masusulusyunan kung paguusapan at susulusyunan.
6 SELOS hindi ito karapatan. ito ay emosong kailan man ay di mo mapipigilan.

Normal lang ang magselos, pero madalas sa selos nayan lalabas yung pride, Pride na nagiging sanhi ng hiwalayan. Kung nagseselos ka kasi may kasamang iba ang partner mo ask her/him kung sino yung kasama niya if magalit magduda kana kasi kung wala siyang maling ginagawa ipapaliwanag niya ng ayos. Pwede niya namang sabihing kaklase niya or kaibigan niya diba? Ang kalaban kasi ng selos nay an ei yung isa sa pinakamahalagang element sa isang relasyon, gusto mo malaman? Syempre Tiwala ang sagot dyan.. madalas isa pa to sa dahil kung bakit nagaaway.. tatanungin mo kung sino yung kasama niya tapos ang sagot “Wala kabang tiwala sakin?”. Pwede namang sagutin nalang yung tanong mo diba? Bakit gagawa pa nang issue? Bakit papalakihin pa? Tapos papasok dyan si pride… Hindi makapagsorry kasi nga mapride… ayaw magpakumbaba.. sa away magbf/gf kasi hindi yan magiging ok hangga’t walang isang nagpapakumbaba, hangga’t walang nagsosorry. Sorry? Oo napakasimpleng word pero bakit hindi magawang sabihin? Ikakamatay mo ba kung magsosorry ka? Magiging ok ba kayo kung magmamatigas ka? Kung sa palagay mo oo eii di dun ka sa bagay na sa palagay mo magiging Masaya ka “just do it and good luck in advance”.
Tagalog Love Quotes 2019 - Hugot Lines - Pacute.com

7 Hanapin mo yung taong gagawin kang PRIORITY at hindi pangTEMPORARY.
Para patas tayo sa temporary thingy nato bigay ako ng example sa both sides. Sa lalaki muna tayo hindi ko naman lalahatin hah pero karamihan sa mga lalaki kahit me mga gf na humahanap parin ng iba in other words ba ei malandi este hindi makontento sa isa. May iba namang nafofocus sa laro tulad ng mobile legends, dota, LOL, PubG at iba pa too many to mention kung maglalaro naman mga pogi magpaalam sa Gf nang walang away pagkatapos, kapagbebe time, bebe time. Suggest ko lang kung ayaw mo na nagaaway lagi kayo ng gf mo tungkol sa ML, Dota at LOL nay an simple lang turuan mo(ez diba?). Sa babae naman ang kadalasang priority nila facebook, wattpad, kpop at iba pa may iba din namang hindi makontento sa isa so pano yan tabla na? Sa bagay hindi naman natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin ei.. Be wise nalang before pumili ng liligawan or sasagutin kilalanin muna nang mabuti ng hindi mahirapan at magsisi sa huli.

 

8 Darating talaga yung panahon na ang dating INIIYAKAN MO ay hindi mo na kailangan sa BUHAY MO.

Agree much, kasi minsan nagging member ako ng iyakan session nay an 😀 yung tipong akala mo hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, yung tipong akala mo pinagsakluban ka ng mundo, yung tipong akala mo hindi ka na makakabangon tas darating yung araw na bigla ok kana, unti unti mo nang nareresist yung pain na dulot ng pagkawala niya. Sabi nga moving-on take time kaya hindi mo dapat madaliin, me sugat bang instant gumaling? Db wala? Kaya wait kalang kung hindi ngayon malay mo baka bukas.
Tagalog Love Quotes 2019 - Hugot Lines - Pacute.com

9 Ang problema sa ibang babae basta GWAPO mahal nila agad
😀 totoo ba ito? Siguro may pailan ilan pero hindi naman lahat. Sabihin na nating karamihan sa babae medaling magkacrush sa lalaking gwapo at cute. Pero yung love hindi naman sila ganun kabilis mainlove, siguro naririnig niyo sa pailan ilan sa kanila na sumisigaw ng I LOVE YOU_______ sa school pero karamihan nasasabi lang yun kasi dare lang ng mga tropa nila.

 

10 Sa tamang panahon may isang taong magpapatunay sayo kung bakit ka para sa kanya… at kung bakit hindi ka para sa iba…
Sabi nila true love waits, at sa mga taong marunong maghintay sila yung mga taong sure na nakakatagpo ng taong hindi sila sasaktan at papabayaan. Sabi nga sa kanta wise men says only fool rush in, kaya huwag mong madaliin, kung kayo kayo kung hindi ay sorry ka 😀 . May iba rin namang maaga lumandi este maaga nagmahal pero nasawi, huwag kayong magalala darating yung Mr/Ms Right para sa inyo pero syempre in right time. Ok class that’s all for today class dismiss 😀

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...