Signs na crush ka din ng crush mo.

Ano nga ba ang crush? Sabi nila ito yung paghanga sa  taong tanga na hindi man lang makahalata hahaha . Agree ba kayo dun ? Ako hindi, kasi minsan yung crush mo may paghanga din pala sayo. Ang sarap siguro sa feeling kung malalaman mo na crush ka din ng crush mo. Kung iniisip mo kung paano mo malalaman na crush ka din ng crush mo,basahin mo lang ang mga signs na ito:

 

Signs na crush ka din ng crush mo pacute.com

 

1 “Kung nasan ka nandun din siya.”

Lagi mo bang napapansin na kung nasan ka nandun din siya ? Aba! sign na ito na crush ka din ng crush mo maliban na lang kung ikaw yung sumusunod sa kanya . Paala ko lang magkaiba ang “kung nasan ka nandun siya” sa “kung nasan siya nandun ka”

 

2 “Tinanong na niya ang prends mo kung may jowa kana'”

Isa ito sa pinakamatinding sign na interesado din sayo si crush mo . Hindi naman siya magtatanong tungkol sa lovelife mo kung wala siyang pakialam, diba?

 

3 “Tatawa siya kahit corny ang joke mo.”

Ganun naman talaga tayo eh masaya kasi tayo pagkasama naten si crush kaya kapag nagjoke yan kahit corny di natin napapansin na tayo na lang yung tumatawa dahil sa joke niya.

 

Signs na crush ka din ng crush mo pacute.com

 

4 “Lagi mo siyang nahuhuling nakatingin sayo.”

Ang sarap sa pakiramdam pag lagi mong nakikita si crush, diba? Pero anong gagawin mo pag sa tuwing titingin ka sa kanya ay mahuhuli mong nakatingin din siya. Isa lang ang ibig sabihin nun, crush ka din niya.

 

5 “Lagi ka niyang binabati.”

Yung tipong halos tuwing magkakasalubong kayo eh lagi ka na lang niyang binabati, naku! bes nagpapahalata na yan haha crush kadin niyan.

 

6 “Concern siya sayo.”

Yung tipong lagi kang kukumustahin tapos sa sasabihan ka ng “ingat ka lagi ha!”. Ay naku! iba na yan haha gawa kana ng moves pagka ganun .

 


Signs na crush ka din ng crush mo pacute.com

 

7 “Tumitingin siya sayo pag nagjojoke siya.”

Napapansin mo ba na lagi siyang tumitingin sayo pag nagjojoke siya? Gusto niya kasing makita kung ngumingiti ka sa mga jokes niya. Masarap kasi sa pakiramdam kapag napapangiti natin yung mahal natin sa buhay kahit sa simpleng paraan lang.

 

8 “Ngingitian ka pagnakita ka nyang nakatingin sa kanya.”

Hindi mo na napapansin ang sign na to kasi kapag nginitian ka niya kinikilig kana agad hahaha. Yung tipong lagi nalang siyang ngingiti pagnagkakatinginan kayo naku crush ka din niya, yung iba kac umiiwas na lang ng tingin.

 

9 “Napapansin niya agad pag may bago sayo.”

Eto yung sign na malalaman mo na lagi ka niyang tinitingnan kasi alam niya pag may nagbago sayo.

 

10 “Mabilis magreply sa mga text mo.”

Nakakatext mo ba ang crush mo? Napapansin mo ba na mabilis siya magreply sa mga text mo ? Yung tipong nagtatype ka pa lang eh may reply na siya hahaha. Sign na yan na crush ka niya.

(Visited 73 times, 1 visits today)
loading...