Random Pacute Quotes and Saying

Random Pacute Quotes and Saying

Minsan ang mga katulad kong cute nagmamasid din sa kapaligiran, syempre marunong ako makiramdam sa mga tsimosa sa tabi tabi, sa mga sabi sabi ng matatanda at sa mga nauusong kasabihan sa ngayon. Dati kapag nagha ka ang reply “cute ka sana kaso bingi ka”, ngayon kapag nagha ka hakdog na kasunod neto diba ibang iba na pero me isang bagay akong alam na kahit minsan hinding hindi magbabago “ang pagiging cute ko”, sumang-ayon ka nalang para magkasundo tayo. Oo nga pala naghanap at kumalap ako ng mga nauusong kasabihan at quotes sa ngayon sana ay magustuhan niyo.Random Pacute Quotes and SayingAng sarap titigan habang tulog asawa ko, “Asan kaya pera neto”

Buhay magasawa minsan masaya, minsan malungkot, may tampuhan, may lambingan, may awayan moments din at syempre hindi mawawala yung sweet moment hindi ba ang cute ng buhay mag-asawa. Dapat lang talaga hindi basta-basta sumusuko, dapat marunong kayo mag-unawaan para masolve ang mga problema o tampuhan. For Boys, isipin mo niligawan mo si girl ng mahabang panahon, pinatunayan mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. After nun noong sinagot kana, sa parents ka naman dumaan syempre dapat mo rin patunayan sa magulang niya na seryoso ka sa anak nila na never mo itong sasaktan kasi nga mahal mo sya. So ayun na nga napatunayan mo na sa kanya at sa parents niya na mahal mo ang partner mo, ito yung magiging basehan mo kung bakit kailangan mong kayahin at lagpasan ang mga darating na problema, tapuhan at awayan niyong magasawa. In other word kung mahal mo patunayan mo, sabi nga “Well done is better than well said”.

Random Pacute Quotes and SayingTatlong uri ng alak:
-ALAKang jowa
-ALAKang pera
-ALAKang ka-chat

Ok lang mawalan ng jowa at kachat pero pera 🙁 hindi. Naniniwala ba kayo na ang mga taong walang jowa sa ngayon karamihan sa kanila may jowa dati? Charrot lang pero oo dati silang me mga jowa, sila yung mga “nagmahal, tapos nagmahal na naman tapos nadala na kasi ayaw na masaktan” sino ba naman kasi ang hindi madadala yung isang beses ok lang ei pero yung dalawa tatlo nako nakakastress yan mga pri. Pero alam niyo ba na ayon asa pag-aaral ng mga siyentipiko “ang kawalan ng pera ay higit na mas masakit kesa iwanan ng ex mong wala din namang pera”.

Random Pacute Quotes and SayingYung nagcharge ka ng cellphone bago matulog, tapos ng magising ka full na cellphone ng kapatid mo.

Minsan talaga,ay mali pala dapat lagi. ahmm sige from the top, Lagi talaga mga kapatid natin kapag magchcharge ka bago matulog, magugulat ka nalang sa umaga kasi di nafull phone mo pero full yung kanya, ang problemang ito ay madalas na naeencounter ng magkakapatid na pareho ang charger port. Minsan nga hindi lang sa pagcha-charge ei madalas sa damit din mamalay ka nasa labahan na yung damit mong hindi pa nasosoot 😀 diba ang saya ng may kapatid. But wait there’s more isa pa tong sapatos nako nako yung may gala ka tapos di mo makita paborito mong sapatos yun pala suot na ng kapatid mo wahahahah. Ganyan naman talaga magkakapatid ei ang cute kaya tignan madalas nga nangyayare samin magkapatid suot niya damit ko suot ko damit niya tas kapag nagkita sa galaan matatawa bigla. Pero hindi lahat nang magkapatid natutuwa kapag inuunahang suotin sapatos o damit nila hahaha madalas talaga ito nagiging sanhi ng away magkapatid ei, kaya kayo kung susuotin niyo damit kapatid niyo ipaalam niyo muna ganun din sa sapatos, sa charger naman pwede naman sigurong ipafull mo muna yung sa may-ari diba bago mo hiramin.

Random Pacute Quotes and SayingAng pasko ay sumapit pinagpalit ka sa malapit.

Bakit ngakaya madalas kung kelang sasapit ang pasko saka naghihiwalay nuh? saka ipinagpapalit sa iba? siguro pinalitan ka kasi madami kang inaanak :D. Tips para hindi iwanan pag papalapit na ang pasko huwag tumanggap ng tumanggap ng inaanak wahahaha. Malay mo naubusan siya ng budget kasi nagging ninong/ninang siya ng hindi oras diba? Or pwede ring nilalamig kaso malayo ka kaya sa iba nagpainit, dalaw dalaw din kasi minsan sabi nga “Pag-mahal mo dalawin mo”.

Random Pacute Quotes and SayingMga misis huwag po nating ugaliing makipagtsismisan sa kalye kayo po ang ilaw ng tahanan hindi po kayo street light.

Yan sa mga tsismosa dyan hindi kayo street light kaya wag pakalat-kalat ilaw niyo 😀 baka mapagkamalan kayong street light naku. Isa pa alam niyo ba na ang tsismis ay madalas na nagiging sanhi ng kaguluhan sa barangay, kapamilya o kapitbahay? kung hindi mo to alam it means hindi ka tsimosa/tsismoso. Tsaka ang tsismis ay isa nagiging sanhi sa pagkasira ng relalsyon, at pakatao kaya sana “kung may galit ka huwag ka ng mag-recruit kasi di ka naman Front Throw”.

Salamat muli sa pagbisita sa Pacute.com, sana ay nagustuhan niyo ang Random Pacute Quotes and Saying na aking nakalap. Gusto magging updated? ilike ang aming Facebook Page

(Visited 37 times, 1 visits today)
loading...