Patawa Banat Tagalog Quotes

Isa lang itong simpleng banat na medyo malakas ang dating. Pwede natin itong magamit sa pang araw araw na buhay. Ika nga. Minsan kasi, sa dami ng mga taong pa – epal ngayon, gusto na lang natin na barahin sila. Lalo na yung mga taong paasa. Nagiging hobby na nga natin ang pambabara. Dami kasing taong epal sa mundo.

patawa quotes
Ako nga pala si Derek. ang derektang papasok sa puso mo
Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, panigurado, magiging masaya ka palagi at di ka masasaktan kapag pinapasok mo ako sa puso mo. Aalagaan kitang mabuti, at poprotektahan kita mula sa lahat ng gustong manakit sa’yo.

patawa quotes
Hi ako nga pala si nilo. yung nilo-ko mo!

Tini – take for granted mo po nga ako e. Baliw na baliw kasi ako sa’yo noon. Kahit ang dami mo ng kasalanan sa akin, pinalalampas ko lang, pero natauhan na ko e. di ko na iniisip na gumanti sa’yo. Naniniwala na lang ako nadarating din ang karma sa’yo.

patawa quotes
Hi, ako nga pala si diane. Humihiling na sana ako’y  laging nandiane sa tabi mo
Nagseselos kasi ako sa mga taong nakapalibot sa’yo. Kaya eto ako, humihiling na sana, ako naman ang mapalapit sa’yo. Di mo kasi ako pinapansin e, mas mabuti pa yung hangin napapansin mo. E ako, ni minsan di ka man lang lumilingon sa pwesto q.

patawa quotes

Hi ako nga pala si Bee Ang Beebitay sa’yo pag nakipaglandian ka sa taong mahal ko
Try mo lang, ng magkasubukan. Hindi naman kasi lahat nakukuha sa usapan e. kaya kung may balak kang landiin ang mahal ko, mag isip – isip ka na muna. Baka kasi mapahiya ka, kawawa ka lang.

patawa quotes
Hi, ako nga pala si bob ang Boboo ng buhay mo.
Alam ko kasing hinahanap mo lang yung taong kukumpleto sa’yo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, at patutunayan ko sa’yo na ako ang hinahanap mo. Ako ang bubuo ng buhay mo, at ako ang kukumpleto sa lahat ng pangarap mo.

patawa quotes
ikaw ba si mae? kasi ikaw na ang mae hawak ng puso ko eh
Parang na love at first sight ako sa’yo e. Unang kita ko pa lang sa’yo tumibok na ng todo ang puso ko. Daig mo pa ang roller coaster sa pagpapakabog ng puso. Kaya eto, ikaw na ang may hawak ng puso ko. Sana alagaan mo.

patawa quotes
Ikaw ba si Dinna? Dinna nagka-lovelife
Wag kasi masyadong mataas ang requirements. Wag kang choosy. Wala kang makukuha kung choosy ka masyado, babaan mo ang standards mo. Para maabot naman ng mga manliligaw mo. Baka kasi pang K – Pop ang standards mo kaya di ka magka – lovelife. Stop dreaming ‘te. Masakit bumagsak kung sobrang taas ang lipad.

patawa quotes
Ikaw ba si LOU? ANG LOUMANDI sa taong mahal ko
Wag ka kasi makati masyado. Alam mo ng may dyowa lalandiin mo pa. Wag ganun, pumili ka naman ng single. Wag yung taken. Panigurado, mas magiging masaya ka kung walang sabit ang pipiliin mo.

patawa quotes
ikaw ba si joshua because i joshouana be with you
You’re so nakaka – inlove kasi. Konti na lang, iuuwi na kita. Masyado kasi akong na – fall sa’yo. Sana saluhin mo naman ako. I want to be with you, sana, you want to be with me too.

patawa quotes
Hi ako nga pala si Juan. juanting you so bad!
Bait – bait mo kasi, ganda pa. Ayan tuloy, gustong gusto na kita. I want you so bad I’m going crazy. Minsan lang kasi ako ma – inlove, at sayo ako na – fall. Sana mabigyan mo ako ng chance para maipakita ko sa’yo how much I feel for you.

(Visited 47 times, 1 visits today)