Paasa Quotes

Paasa Quotes

Lahat tayo dumadaan sa kalungkutan at pagiging broken. Ang iba naman ay nagbabasa  lang para makita ang mga rants ng ibang tao at iniisip kung sila ang nasa katayuan nila. Ito ay mga quotes na tungkol sa mga taong hindi inibig at inakalang may pag-asa, yun pala pinaasa lang ng mga iniibig nila.

“PAASA”,¬† Limang Letra, pero madaming tao na ang nabiktima.

Mahirap magtiwala sa panahon ngayon, kasi madaming tao na ang nabibiktima ng mga taong paasa. Magpapa-fall tapos pag nahulog ang damdamin di naman kaya saluhin kaya andaming nasasaktan kaya kahit mga taong seryoso nadadamay sa pagiging PAASA.

Bakit ka nasasaktan? Kasi Na-fall ka sa taong dapat kachat mo lang.

Masakit ma-fall sa tao lalo’t lagi mong kausap kahit di mo pa sya nakikita feeling mo matagal mo na syang kilala,di mo alam kung ano mangyayari sa pag-uusapan nyo baka maglaho nalang bigla.Kaya wag kasi mahuhulog agad-agad, baka umaasa ka lang pala na meron na may gusto sya yun pala hanggang kaibigan lang talaga.

Bakit ka pa umasa na babalik pa sya, kahit alam mo naman na masaya na sya sa iba.

Masakit man sa kalooban pero kailangan tanggapin na pag di na bumalik wag nang pilitin ang sarili. Tama na, masaya na sya sa iba, lalo ka lang masasaktan. Umaasa ka lang sa wala.

Wag mo na pilitin sarili mo sa taong hanggang KAIBIGAN lang ang tingin sayo.

Pag friends lang, friends lang. Wag mo na pilitin na mas lalalim pa ang tingin nya sayo. Mawawala lang ang nabuo ninyong pagkakaibigan. Hindi na ganun kasaya ang pagiging kaibigan nyo dahil iba na ang tingin mo sa kanya.

Wag mo syang ituring na prinsesa, kung di ka nya maaasahan na maging prinsipe nya.

Wag mo syang ituring na prinsesa, kung di ka nya maaasahan na maging prinsipe nya.Wag mo syang paasahin, at marunong kang makiramdam sa mga nasa paligid mo.Hindi nakakatuwa yung nagbibigay ka ng motibo sa kanya tapos di mo pala kayang panagutan pag sineryoso na.

 

(Visited 72 times, 1 visits today)
loading...