Paanon Malalaman Kung Nahuhulog Na Siya Sa’yo – Sayings

“Paano Malalaman Kung Nahuhulog Na Siya Sa’yo”

“Pero paano ko nga ba masisiguro?” Ilang beses mo na sigurong narinig ang tanong na ito mula sa mga kaibigan mo, o mula sa’yo na rin mismo. Siguro may dini-date ka ngayon na seryoso, pero hindi ka naman sigurado kung seryoso din siya sa’yo.
Ang totoo, may mga tao talaga na mahina maka-pick up. Kailangan pa kasi nilang siguruhin yung nararamdaman nila bago sila magsalita, kaya be patient, maghintay ka lang (basta reasonable, wala naman kasi sigurong tao na makakapaghintay habang buhay).
Kung halos mamatay ka na sa kaiisip kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa’yo, hindi mo pa rin malalaman ang sagot diyan kahit pag-isipan mo pa ng todo. Pero malay mo, baka makatulong ito sa’yo.
Kami kasing mga lalaki yung tipo na hindi ganoon kagaling pagdating sa pag-eexpress ng nararamdaman namin. Hindi naman sa ayaw naming pag-usapan – hindi lang talaga namin masyadong pinag-iisipan. Yung nararamdaman kasi namin, lalo na pagdating sa pagmamahal, parang elevator music yan pagdating sa amin. Yung tumutugtog sya sa isip namin, pero kadalasan, hindi namin masyadong pinakikinggan.

Kaya naman nakikiramay ako sa mga babae na gustong-gustong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ng isang lalaki para sa kanila. Kadalasan kasi, baka hindi din alam ng lalaki. Oo nga at nandoon s’ya sa emotional elevator kanina, kaya lang masyado siyang busy sa pagbabasa ng mga newsfeed sa phone n’ya kaya hindi niya masyadong napapansin yung lumalabas sa speaker.
But ladies, may pag-asa pa. Kasi, kahit hindi kaagad-agad sabihin ng manliligaw mo kung gaano ka niya kagusto, siguro naman nagbibigay pa din siya ng mga sign na nahuhulog na siya sa’yo. Ito ang mga dapat mong abangan:

“Gagawin niya lahat para hindi masira ang relasyon ninyo”

Kapag gusto ka ng isang lalaki, nagiging mas importante sa kanya yung takot na mawala ka kaysa sa ibang bagay sa buhay niya. Nagagawa niyang iwasan na magkaroon ng contact sa ibang babae, kasama na yung mga kaibigan niyang babae. Hindi naman yun nangangahulugan na iiwas na siya sa lahat ng tao, sign lang ito na nag-uumpisa na siyang mahulog sa’yo. Masyado siyang magiging concern sa kung paano mo siya i-view as a person. Hinding-hindi ka niya pag-iisipin kung tatawag ba siya ULIT sa iyo. Magiging busy siya masyado sa paghahanap ng paraan kung paano siyang hindi makakagawa ng mali, para hindi kayo masirang dalawa.

“Siya ang unang tatawag sa iyo”

Kaming mga lalaki yung tipo na mas na-iinlove sa isang babae kapag hindi namin masyadong nakikita. Kaya kung iniisip ka niya, gagawin niya lahat para lang makausap ka. Pero kung kabaligtaran naman, kapag pakiramdam mo ay ikaw na lagi ang nauunang magtext sa kanya, mag-ingat ka.

“Idadamay niya ang mga kaibigay niya”

Nakarinig ka na ba ng isang lalaki na sobra kung magkwento tungkol sa isang babae na dini-date niya? Kung gusto ka kasi talaga ng isang lalaki, gugustuhin niya na makilala ka ng mga kaibigan niya at alam nila na may nililigawan siya. In fact, baka nga sumasakit na ang ulo nila dahil lagi na lang tungkol sa’yo ang naririnig nila. Magandang palatandaan yun. Kung ikaw ang laging bukam-bibig niya, it means na patay na patay siya sa’yo.

“Gusto ka niyang ipakilala sa pamilya niya”

Kung long term ang pag-uusapan, importante kadalasan para sa isang family-minded na lalaki kung paano ka makitungo sa pamilya niya. kung sa tingin niya e magiging pang-matagalan ang relasyon ninyong dalawa, gugustuhin niyang makilala ka ng pamilya niya at ipakilala mo siya sa pamilya mo. Pero kung tingin niya e casual lang ang relasyon ninyo, hinding hindi ka niya isasama sa bahay nila para ipakilala sa pamilya niya.

“Ikaw lang ang nakikita niya”

Mahirap ang isang ito lalo na kung mayroon siyang respeto. Ganun pa man, hindi mo mararamdaman na nakikipagdate siya sa ibang babae habang nakikipagdate din siya sa’yo. Pipilitin niya na maging exclusive ang relasyon ninyo, normal lang kasi sa mga lalaking inlove na gustuhing makuha ka na bago pa sila maunahan ng iba.

“Gusto niyang pag-usapan ang tungkol sa future”

Kapag tinamaan sa’yo ang isang lalaki, hindi niya poproblemahin na isama ka sa mga future plans niya. May concert sa sunod na buwan? Dapat kasama ka. Magpapakasal ang kapatid nya next summer? Siyempre ikaw ang ka-date niya. kung hindi ka niya ganoon ka-gusto, hindi na siya mag-aabalang iplano ang gagawin niya kasama ka.

“Huling sign na mahal ka talaga niya: Sasabihin niya yung L word”

Alam kong napaka-cliché dahil kasama ito sa list (DUH), alalahanin ninyo na ang isang salita ay salita lang. mas importante ang action kapag na-inlove ang isang lalaki sa’yo. Karamihan sa mga lalaki ay hindi basta-basta sinasabi ang “L” word na yan. Pero, meron din namang iba na liberal pagdating sa pagsasabi nyan.
Siguro silent type ang ka-date mo ngayon na hindi masyadong maboka pagdating sa mga sweet na salita, pero deep down naman e gustong-gusto ka. Sa kabilang banda, baka nakikipag-date ka sa isang Casanova na hindi tumitigil ang bibig sa pambobola kung gaano ka kaganda kapag nakikita mo siya.


“Yung tingin na punong-puno ng pagmamahal”

May sariling paraan ang isang lalaki kung paano ka niya titingnan pag inlove siya sayo. Minsan mahirap mo itong makita, pero kapag nakilala siya ng mga kaibigan mo, pwedeng makita nila ito at pwede ding hindi. Tititigan ka niya ng mas matagal, at palagi ka niyang titingnan kahit hindi ka nakikipag-usap sa kanya. Isipin mo: lingering glances.

Nagkukusa siyang ilaan ang libreng oras niya para makasama ka.
Hindi lang niya ilalaan ang oras niya para sa’yo kundi gagawin niya ito ng kusa. Hindi ka na mag-iisip ng paraan para lang makita siya dahil kusa siyang lalapit sa’yo. Susubukin din niya na makuha ang Biyernes at Sabado mo para makadate ka.

“Nagpapakita siya ng concern”

May problema ka? Pipilitin niyang i-solve yan. Ii-invest ng isang taong inlove sayo ang oras at lakas niya para lang mapasaya ka.

“Pinapahalagahan niya ang payo mo”

Hindi kasi nagsasabi ng problema ang mga lalaki sa mga taong hindi nila nirerespeto at pinagkakatiwalaan na makakatulong sa kanila na i-solve ang problema nila. Kung maingat niyang pinag-iisipan ang mga payo mo sa kanya, isang magandang sign yan na mahal ka talaga niya.

BABALA: Hindi mo pwedeng ipilit sa kanya ang mga signs na to. Hindi ka pwedeng pumunta dun at isiping, “Well, hindi naman niya ginagawa yung ganito or yung ganoon, ibig sabihin hindi niya ako gusto.” Iwasan mo yung ganoon. Umiwas ka sa kalokohang yan! Kung maganda ang takbo ng mga nangyayari sa inyong dalawa, i-enjoy mo lang lahat ng nangyayari, huwag mong pakaisipin ng masyado.

Maraming salamat sa pagbisita at aming BlogSite! Kung nagustohan ninyo ang aming Quotes and Sayings Please Like and Share! Gusto nyo pa ba ng mga bagong Quotes? Laging bisitahin kami sa Site na ito! dahil araw-araw kaming mag popost ng mga pinakamagagandang Quotes and Banat! Thank you!

(Visited 2 times, 4 visits today)