Mistisang Sagutera

Ang Mistisang Sagutera ay para sa mga taong hindi basta basta nagpapatalo, patuloy na lumalaban upang maipakita sa lahat na kaya nilang lampasan ang mga problema at sinasabi ng iba. Minsan may mga taong pilit na sisira at huhusga sa atin kung kayat kailangan nating ipakita na malakas tayo.

Andyan lamang sila na patuloy na huhusga at susubok sa kakayahan nating mga tao, wala naman tayong choice dahil hindi sila magsasawa, hihintayin ka nilang sumuko, ang mahalaga ay matuto tayong makipagsabayan sa kanila. Mistisang Sagutera is a collection of quotes and sayings na magtuturo sa atin kung paano lumaban at makasurvive sa mga problema na kinakaharap natin. Hindi masamang sumagot,

hanggat alam mong nasa tama ka  at wala jang inaapakang tao, go just speak, libre mag salita in fact mas mabuti nga iyon para malaman nila ang nararamdaman natin  diba? Well those qoutations here in Mistisang Sagutera will give you a voice to speak. Bibigyan ka ng site na ito ng  pagkakataon na sabihin ang mga bagay na hindi mo masabi in a very good way.

Pacute.com: Mistisang Sagutera 1

  1. Sa panahon ngayon lahat big deal- magsuot ka nang maiksi at mag ayos sasabihin pokpok- magsuot ka ng mahaba at maging simple lang sasabihin hindi fashionable

    – sumama at gumala kasama ang barkada sasabihin naga landi

    – hindi sumama at tumambay sa bahay sasabihin takot sa tao

    Teka lang ha? San pa ba ako lulugar?

    Nowadays people are so judgmental lahat nalang pinapansin. Honestly mga ka sagutera hindi kona alam kung san nga ba ako lulugar. Lahat naman kase ng tingin kong tama ay mali sa mga paningin ng iba e. try nyo kayang tingnan nalang. Stop being judgmental  guys!!!

  2. Don’t let anyone ruin your sparkleHindi na malayong may sisira sayo, you cant avoid it pero pwede mong maipakita sa kanila na nagkamali sila ng binanggga. Mas maganda na ienjoy nalang natin ang mga kaganapan sa buhay.
  3. Yung  kapit bahay mong ang galing galling magsumbong sa magulang mo. Kagigil, ka close kita? Ka close kita? Grrrrr.Minsan may mga pagkakataon talagang mas nauuna pang magsabi ang kapit bahay mo kesa sayo na anak. Haha, ganto kasi yan,  yung feeling na nakita ka ng kapit bahay mo sa isang lugar kasama ang barkada mo tapos bago mo pa sabihin na may pinuntahan ka naunahan kana pala ng kapit bahay mo. Pa feeling ka close ay.

    Pacute.com: Mistisang Sagutera 2

    4. Asan na yung mga taong nangdadown sakin? Sasampalin ko lang ng diploma ko.

    May mga tao talagang mag dadown sa atin. May mga taong imbes na imotivate tayo para ma abot natin yung goals natin ay idadown pa tayo.  Yung tipong sasabihing hindi tayo makakapagtapos dahil maaagang mabubuntis o makakabuntis, bakit alam nyo ba pinagdadaanan ko? Hindi paba sapat yung pagpupursigi ko para lang mapatunayan na mali ang iniisip nyo?

    5. Pag mababa ang grade bobo agad? Hindi masama ang magkaroon ng mababang marka, hindii naman ito basehan para masabi mong magtatagumpay ka. May mga taong sasabihing bobo ka kapag nakitang mababa ang grades mo, maling mali ito. Tandaan hindi masusukat ng numero ang ang degnidad ng tao.

    6. Yung kaklase mong excited mag file ng resume hindi naman pala makakalabas ng immersion. Hakhak kalungkot besAng mag work immersion ay sadyang nakaka excite, simula sa filing ng resume at application letter mararamdaman mona na makakaranas kana ng totoong mundo ng trabaho pero paano pag nalaman mong hindi ka pala papalabasin ng school? Masakit yun, masakit dahil umasa ka na makakalabas ka pero hindi pala. If ever na hindi ka makakalabas just accept it nalang, wala tayong magagawa dahil advisers na ang nagdesisyon nyan.

    7. Kamusta naman kaya ang mga naga immersion ngayong sembreak, kaya paba?Masayang bumyahe at mag relax ng konting panahon kapag sembreak pero merong schools na ang papadeploy  ng grade 12 students sa mismong sembreak. Hayaan nyo nalang hindi man kayo makapag bakasyon at lumuwas atleast naging productive yung sembreak nyo through experiencing an immersion.

    Pacute.com: Mistisang Sagutera 3

    8. Mabuti ng ako ang masaktan kesa sa patuloy ka pang mahirapanUso na ngayon ang salitang pagpapalaya. In fact madali lang naman talagang sabihin na palayain ang mga taong mahal mo e, kaso nga lang mahirap gawin. Pero diba mas mabuti ng tayo nalang ang magsakripisyo kesa sya pa yung mahirapan diba?

    9. Mas masarap paring mahalin yung lalaking hindi kagwapuhan pero makadyos kesa sa lalaking gwapo langSabi nga nila wag ka sa basta gwapo lang, dapat makadyos din. Wala nang sasarap sa lalaking yayayain kang mag worship kay God kesa sa yayayain kang makikipag date lang. Hindi naman basehan ang mukha kapag nagmamahal e, ang mahalaga ay yung lalaking kaya kang ipaglaban at tuturuan kang isentro ang relasyon nyo sa dyos.

    10. Pangiti ngiti lang ako pero stress na ito

    Normal na sa estudyante na ma stress, sa dinami dami ba nga naman ng mga paper works ang kailangan nilang i comply at isubmit pero hanga parin ako sa mga estudyanteng nakukuhang ngumiti para tabunan yung stress na dala dala nila. Sabi nga student was the best pretender, haha tama kayo jan mga ka sagutera kayang kayang mag pretend ang mga estudyante na hindi sila stress. Ang galing diba?

    Sa lahat ng walang sawang bumibisita sa websites na ito, maraming salamat po. Hanggang sa susunod na update mga ka sagutera. Bye and God Bless.

     

(Visited 4 times, 4 visits today)
loading...