”Mga Patama ni Cute sa mga Taong PAASA”

”Mga Patama ni Cute sa mga Taong PAASA”

Kaway-kaway nga dyan sa mga cute na tulad ko. Naranasan mo na bang Paasahin? Sa panahon kasi ngayon naglaganap na ang mga taong PAASA sabi nga “Walang Paasa kong walang Umaasa” Hindi naman siguro kasalanan nong tao kung umasa siya kasi nagbigay motibo si paasa kaya sya umasa sino ba ang founder nyang paasa na yan at ng  masapak ! Bakit sila ganon wala siguro silang magawa sa kanilang buhay no? Di ba nila naiisip na may mga taong masasaktan dahil sa kanilang pagpapaasa o baka wala silang isip kaya di nila naisip na may masasaktan sila Haha!

“Ang Alam ko laging may PAG-ASA ang hindi ko gets Bat Ang daming PAASA”

Wag kanang magtaka kong bat madaming paasa ngayon madami na kasing assumero/assumera sa panahon ngayon feeling maganda/gwapo di naman masamang mag feeling maganda/gwapo e basta wag ka lang magpapaasa.

Dear Karma, PakiSampal nga ng Malakas lahat ng PAASA”

Si Karma na lang bahala sa mga paasa mabilis naman bumalik ang karma sa mga taong manloloko. Sayo na namin ipapaubaya lahat ng aming sakit na nararamdaman. Ikaw na lang kakampi ng mga taong Pinaasa. Huwag mo sana kaming biguin Karma.

“Habang may Buhay may Pag asa Pero sana wala na lang buhay Yung mga taong Paasa”

Pag tayo nasasaktan kong anu ano naasabi natin sa mga tong nanakit satin tulad ng “sana di kuna lang sya nakilala, sana di na sya makahanap ng tulad ko, at sana mamatay na lang sya. Isipin na lang natin na kasama to sa buhay ang masaktan pero hindi kasama sa buhay ang masaktan sa kanya ng paulit ulit. Pero sa bawat sakit na nararanasan natin e may mapupulot tayong magandang aral na magagamit natin.

“Huwag mong Iyakan ang mga Taong Paasa Hindi Pa Sila Patay Wag Tayong Excited”

Huwag natin sayangin ang ating luha sa mga walang kabuluhang tao. Hindi nila deserve ang ating luha. Maganda tayo para umiyak lang sa kanya saka na lang umiyak pag patay na sila ng may silbi naman yung pag iyak natin.

“Huwag mong Paasahin Ang mga taong Mahal na Mahal Ka”

 Huwag mong paasahin yung taong alam mong mahal na mahal ka kasi bihira lang ang mga taong totoong magmahal sa panahon ngayon. Para kang nagsayang ng bigas pag pinakawalan mo pa ang ganyang tao. Hindi ka agad agad makakahanap ng taong magiging totoo sayo.

”Mga Patama ni Cute sa mga Taong PAASA”

“Ang Paasa Mukha namang Nasabugan ng Dinamita”

Bakit kaya kong sino pa yung Poging lamig at Gandang lamig sya pa yung Paasa. Ang lakas ng loob magpaasa mukha namang pinagsakluban ng langit at lupa. Mga “GGSS” (Gandang Gandang Sa Sarili at Gwapong Gwapo Sa Sarili) ang mga Paasang ito. Masakit ba masabihan ng ganyan wala ng sasakit pa sa Pag papaasa mo kaya wag ka sanang masaktan sa sinabi ko.

”Mga Patama ni Cute sa mga Taong PAASA”

“Wag Magbigay ng Motibo Kong Paaasahin mo lang”

Hindi naman masamang magbigay ng motibo basta wag kang magpapaasa. Kong ayaw mong makasakit ng damdamin ng iba sana isipin mo muna lahat ng gagawin mo. Hindi nakaka ganda at gwapo yang ginagawa mong pagpapaasa.

”Mga Patama ni Cute sa mga Taong PAASA”

Ang Daming taong PAASA Puro Salita Pero kulang sa Gawa”

Puhunan na kasi nila ang kanilang mga matatamis na salita. Kong nakakain lang sana yang mga matatamis nilang salita baka may sakit na ako ngayon sa sobrang sweet. Bakit puro salita kayo try nyo naman mag effort kahit minsan lang hindi yung dadaanin nyo lagi sa matatamis na salita nyo.

“Akala mo Kong Sino Para Manakit ng Iba”

Yung iba kasi sinasamantala ang pagpapaasa ginawa na ata nila tong libangan. Ano naman kaya mapapala nila don masaya ba na may nasasaktan ka? Andyn naman si karma siya na bahala sa mga taong walang ginawa kundi manakit ng damdami ng iba. Wala kang karapatan para manakit kasi di mo naman ako pakain.

 

 

(Visited 3 times, 3 visits today)
loading...