Mga Paasa And Patama Tagalog Quotes

“Mga Paasa And Patama Tagalog Quotes”

Kumusta mga Dodong at Inday. Maraming salamat sa inyong pagdalaw sa aming webpage at pagbabasa nitong aming blog. Stay tuned lang lagi mga ‘day.

Alam kong madami sa inyo ngayon ang mga umaasa pa din sa inyong minamahal, maaaring umaasa pa ang iba na sana ay balikan pa ulit sila ng kanilang mga dakilang EX, at ang iba naman ay umaasa na sana ay ligawan na o kaya ay sagutin ng kanilang mga crush. Pag – ibig nga naman, iba na talaga once na ang puso na ang umiral, hindi ba mga t’song at t’sang? Kaya naman, para sa inyong lahat ito.

Mga Paasa And Patama Tagalog Quotes 1

“Isang lalake lang ang nanakit sayom, pero lahat ng lalake sa mundo dinamay mo”

Ikaw naman Ateng, bakit ba galit na galit ka sa lahi ni Adan? Ano bang ginawa nila sa’yo at halos pandirihan mo sila na parang may nakakahawang sakit? Alam mo Ateng, kung meron mang lalake na nanakit sa’yo dati, wag mo silang ilahat. Hindi naman lahat ng lalake e manloloko. May mga lalake pa din na seryoso kung magmahal. Nagkamali ka lang siguro ng minahal noon. Kaya Ateng, try and try

Mga Paasa And Patama Tagalog Quotes 2

“Bakit daw ang hirap mag move-on? Kasi ayaw mo pa Kasi umaasa ka pa. Kasi hindi mo pa matanggap. Kasi mahal mo pa”

Five years na, moving on ka pa, huwag ganun. Minsan, dapat matuto din tayo kung paano mag let go. Kasi, isipin mo, kung patuloy tayong magmumukmok at aasa na babalikan pa tayo ng kung sinong mang barabas na ex natin, sinasayang lang natin yung mga panahon na sana ay nagpapakasaya tayo. ‘Wag nating palampasin ang pagkakataon na makahanap ng mas karapat dapat na tao dahil lang sa nasasaktan pa tayo

Mga Paasa And Patama Tagalog Quotes 3

“Kung may gusto ka kasing sabihin sa kanya, ‘wag mo na idaan sa group message na puro lyrics lang dapat, straight to the point”

At kayo naman mga Dodong, kung gusto mo si babae, GO LANG NG GO. Huwag ‘yung puro pahaging ka lang, puro palipad hangin. Baka mapagkamalan ka lang na paasa. Paano s’ya tatamaan sa’yo kung ‘yung message mo sa kanya sinisend mo sa lahat ng nasa phonebook mo? Man up, magpakalalaki ka. Sabihin mo sa kanya ng deretsahan ang nararamdaman mo. Malay natin, gusto ka din pala niya, hinihintay ka lang magsalita

“Walang text? Ayos lang. Walang tawag? Ayos lang. Walang oras para sakin? Ayos lang din. Pero kapag umiwas na ako sa’yo sana ayos lang din sa’yo”

Hindi ba napakahirap kung ganito ang nangyayari sa relasyon natin mga t’song? Hintay tayo ng hintay ng paramdam galling sa kanila, pero ni smileys o blank message, wala man lang dumadating? Hindi man lang nila naiisip na baka nag – aalala na tayo sa kanila. Tapos once na mapuno na tayo at umiwas, sila naman yung hahabul – habol

“Kaya kong panindigan ang salitang “Ikaw Lang” basta huwag mo lang akong tratuhing “Wala Lang””

Minsan sa sobrang pagmamahal natin, hindi natin namamalayan kaagad, na sinasamantala na lang pala tayo ng mga taong mahal natin. Yun bang tipong sobrang tapat natin sa kanila, tapos magigising na lang tayo one day na invisible nap ala tayo sa kanila. Hirap di ba?

“Hindi tanga ang taong sobra kung mag mahal. Mas tanga ang taong minamah na ng sobra – sobra nakuha pang maghanap ng iba”

Paano ba natin masasabi na tanga ang isang tao? Tanga ba siya dahil sobra siya kung magmahal? Dahil ba binigay na niya halos lahat dahil sa pagmamahal? Hindi naman siguro kasalanan ang magmahal ng sobra, hindi ba mga t’sang? Mas tanga nga siguro yung taong, matapos natin ibigay lahat ng kaya nating ibigay sa kanya, e ipinagpalit ka pa at naghanap ng iba. ‘di ba mga ‘day?

“Lahat ng tao napapagod, wag ninyong intayin na mawala pa sila sa buhay niyo bago mo sila pahalagahan”

Aminin natin na minsan mga ateng, hindi lang naman tayo yung umaasa, minsan, nagpapaasa din tayo intensyonal man o hindi. Kaya minsan dumarating talaga sa point na, saka natin hinahanap hanap ang isang tao kapag nandun na sa point na hindi na siya nagpapakita sa atin. Tapos magagalit pa tayo pag nalaman natin na nanligaw na pala sa iba kaya di na nagpapakita. Eh ganun talaga ‘te, pinaasa mo eh. Taka ka pa?

“Kung mahal mo don’t ba afraid to tell to that person. Kung hindi mo naman ikamamatay ang pagsasabi ng I Love You sa kanya, sabihin muna!”

Hindi naman kawalan sa pagkalalaki natin kung aamin tayo sa mga gusto natin natin eh. Huwag kang matakot lalo na kung tapat naman ang hangarin mo at seryoso ka sa nararamdaman mo. Wala naman sigurong mawawala sa atin kung umamin tayo sa isang babae tungkol sa nararamdaman natin, nakakadagdag confidence pa nga sa ibang lalaki ang pag – amin

“Lahat tayo may katangahan sa buhay. Pero ikaw nasobrahan”

Lahat naman talaga tayo e nagiging tanga pagdating sa pag – ibig. Pero minsan dapat mag –isip din tayo kung tama pa ba ‘yung ginagawa natin. Alam mo kasi, okay lang maging tanga, wag mo lang career – in

“Libre na nga magpakatanga sa taong walang kwenta, inaaraw-araw mo pa”

Huwag n’yong gawing hanap – buhay ang pagiging tanga, lalo na kung magpapakatanga na din lang tayo, e sa maling tao pa. Dapat matuto din tayong magbigay ng break para sa sarili natin. Hindi natin alam, baka sa sobrang pagpapakatanga natin sa isang tao, nabulag na pala tayo kaya hindi natin makita ‘yung taong para talaga sa atin

“Kung hindi niyo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya”

Bilang payo sa inyo na mga masusugid naming taga – basa, iniiwan ko sa inyo ang kasabihang ito na pinasikat ni Pareng Bob. Kagaya ng sabi niya, kung di mo mahal o kung wala kang nararamdaman para sa isang tao, wag mo ng paandaran. Paaasahin mo lang e, tapos kapag dalang dala na s’ya sa mga ginagawa at sinasabi mo bigla kang mawawala. Wag ganun ‘pre.


Maraming salamat sa inyo sa pagdalaw sa aming blog site, pasyal pasyal lang kayo at marami pang mga susunod.

 

(Visited 33 times, 1 visits today)