Mga literal na dahilan ng mga kabataan sa ngayon

Ang mga nilalaman ng mga dahilan ng mga kabataan ay ang kanilang mga sinasabing dahilan kapag sila o kapag gusto nilang  gumala at hindi sila pinapayagan ng kanilang mga magulang.

” Mama may contribution kami sa school “

Pangatlo yan, yan yung mga dahilang malulupit hihingi ng pera sa magulang tapos sasabihin kailangan sa school pero yung totoo talaga may bibilhin lang sila na pang porma or kung anoman pero dapat mas mabuting sabihin nalang nila yung totoo kesa magsinungaling sila sa kanilang magulang.

” Mama makiki-sleep over ako, gagawa kami ng project “

Yan yung pangalawa kaai usong-uso na yan ngayon napakaraming mga nagdadahilan niyan kumbaga common na yan, masasabi nating napakagaking nga naman ng mga dahilan nyan tapos pag dating dun sa bahay ng kaklase walwal na agad sila hindi pala gagawa ng projects magi-inom pala kaya pumunta at kung may project man na gagawin mas madami pa yung walwal kesa sa nagawang proyekto.

 

” Mama punta lang ako sa bahay ng classmate ko “

Yan yung mga linyahang malupit, yung tipong magpapaalam lang na pupunta sa bahay ng kanikanilang mga classmates tapos malalaman nalang ng magulang na kung saan saan na pala nagpunta ang kanilang anak hay nako! Napaka-common ng ganyang mga dahilan nowadays kaya minsan hindi na naniniwala yung ibang mga magulang kapag nagpapaalam ang kanilang mga anak tapos napipilitan nalang na tumakas ng bahay.

” Mama may practice po kami sa school “

Yan yung una kasi yan yung common na dahilan ng mga studyanteng gusto lang gumala kapag weekends hindi naman makakatanggi ang magulang kasi kung para din naman ito sa kanilang mga anak kaya pumapayag din sila tapos itong si anak tuwang tuwa kasi bibigyan pa ng pera pang meryenda para sa practice, kabataan nowadays nga naman masyado nang magaling mangatuwiran .

” Mama jan lang ako sa kapitbahay “

Mga dahilan ng mga kabataang gusto lang makaalis at makalabas ng bahay para di daw boring tapos kung saan saan na pupunta, may ibat ibang session yang mga yan inuman, jamming, food trips at kung ano ano pang mga hilig nila sa buhay, okay lang naman na umalis ng bahay basta umuwi sa tamang oras para hindi na mag-alala ang inyong mga magulang.

” Mama may bibilhin lang ako ahh “

Yan isa pang common na dahilan kaya nakakatakas sa mga gawaing bahay ang mga kabinataan at kadalagahan, yung tipong lalabas at bibili lang kunware yun pala pupunta na sa kani-kanilang mga tropa or mga barkada tapos magwa-walwal at magsasaya, alan nyo ba guys mas mabuti nang magpaalam na lang kesa tatakas pa tayo kasi mapapagalitan kapa paguwi mo tapos serom jan sermon dun, di ba kayo nasasawa? Kaya kung may balak tumakas ng bahat wag nang ituloy mag paalam nalang kayo kasi mahal tayo ng ating magulang nagaalala lang sila satin.

 

Thank You and God Bless

Please LIKE and SHARE

(Visited 1 times, 1 visits today)