Mga Hugot ni Donna Cariaga Tungkol sa Pag-ibig

Isa si Donna ngayon sa sikat dahil sa mga hugot niya tungkol sa kanyang buhay pag-ibig lalo na yung tungkol sa kanyang ex na si James na talaga namang pinanood at pinag-usapan. Ang kanyang mga hugot ay talaga namang tumatama at tumatagos sa damdamin na minsan ay talaga namang sapol sa mga pinagdaanan mo. Isa ka ba sa humahanga kay Donna narito ang ilang hugot niya tungkol sa pag-ibig.

Mga Hugot ni Donna Cariaga Tungkol sa Pag-ibig

  1. Road to forever? Pakiramdam ko ‘yung road na ‘yan marami nang nasagasaan diyan. Marami nang namatay sa road na ‘yan.

“yung magkasama kayo patungo sa forver ngunit may isang nasagasaan at ‘yung iba namamatay. ‘yung mga nasasagasaan di na nakakatuloy minsan din kasi nahaharangan ng iba, dahil kahit anong kapit mo bumibitaw at bumitaw pa rin ee.

  1. Kahit i-search natin sa waze ‘yan road to forever. “Sorry that road doesn’t exist.”

Kahit saang mapa siguro di mo makikita ang road to forever kaya sa mga bitter it doesn’t exist pero sa mga naniniwala dito alam nila kung san ito. Pero minsan may mga taong naguguluhan pa rin kasi hindi nila makita o mahanap ang kanilang mga tanong sa isip tungkol dito.

  1. Ang relationship it takes some photography skills, matuto kayong mag-focus.

Ang relasyon ay parang photography skills kailangan mong magfocus o kaya humanap ng anggulo upang maayos at mapaganda ito. Nakasalalay sa mga kamay mo kung panu mo ito ihahandle.

  1. Napasubo lang ako na magmahal ng tao na hindi naman kayang ibalik kung ano yung sinubo ko sa kanya.

Minsan napapasubo tayo sa mga pabigla bigla nating mga desisyon lalo na pagdating sa pagmamahal. Minsan kahit naibigay mo na lahat pero hindi naman bumabalik kung ano yung binigay mo. Mahirap magmahal kung isang tao lang ang nakakaalam nito.

  1. Sa hinaba-haba ng relasyon, sa lokohan din ang tuloy.

Aanhin mo ang mahabang relasyon kung lagi rin lang namang lukohan ito. Dahil kahit gaano mo kahigpit inalagaan at hinawakan ito kung lolokuhin ka rin lang niya wala rin ang mga saysay lahat ng effort na binigay mo.

  1. Matagal ko nang nakita ang hinahanap ko, kaya lang inagaw ng kaibigan ninyo.

“yung kay tagal mong hinintay at hinanap pagkatapos aagawin lang sa’yo. Tapos ang masama pa nito galit pa sa’yo mga kaibigan ng nang-agaw sa’yo at hindi pa diyan nagtatapos sisiraan ka pa niyan.

Mga Hugot ni Donna Cariaga Tungkol sa Pag-ibig

  1. Mag-organize kayo ng isang beauty pageant na kayo ang bida para maranasan niyo naman ma-judge!

Sa dami ng mga pinagdaanan minsan mapapa-isip ka nalang at masasabi sa kanila na bakit di ninyo ilagay sarili niyo sa posisyon ko para maramdaman at maranasan niyo kung pani i-judge at idown.

Mahirap maiwan ng taong minamahal at mahirap magmove-on. Sabi nga walang gamot sa move-on at ito rin ang pinakamahirap gawin. Kaya ‘yung mga taong pabida diyan isipin ninyo naman na may pinagdadaanan din ang taong hinuhusgahan niyo.

  1. I believe lahat ng tao laging may time ‘yan, depende nalang kung kailan ka priority.

Kung may time management ka madali para sa’yo ang mga bagay bagay na dapat mong gawin. Pero kung di ka organize na tao mahihirapan kang pagkasyahin ang oras mo. Pero kung priority ka ng isang tao na laanan ng oras magagawa niya yun kahit gaano kahalaga o karami ang kanyang ginagawa.

  1. Ang mahal kasi mag-aral ng pagiging Astronaut, kaya yung iba pina-practice nila yung space na yan sa relasyon nila.

Bakit nga ba sa relasyon kapag nakakaproblema lagi ang solusyon space o break sa isa’t isa. Sabi nga nila kung may problema kayo wag niyong takbuhan ayusin niyo ng ‘di kayo magsisi sa desisyon niyong pabigla bigla.

  1. Binilhan ko ng sapatos, pero di ko alam na ‘yun pala ang gagamitin niya para takbuhan ako.

Sa mga basketball player ito malimit mangyari ee, alam naman natin na sapatos ang kanilang gustong-gusto matanggap. Ngunit nagbigay ka nga pero ginamit naman para takbuhan ka at sumama sa iba. Masakit di ba? Nagbigay ka na nga iniwan ka pa. Masaklap ito kayo kung ako sa inyo huwag kayong magmahal ng player na alam niyong paglalaruan lang kayo.

Source: http://news.abs-cbn.com/entertainment/12/07/17/hugot-ni-funny-one-donna-may-basehan-sa-tunay-na-buhay

(Visited 107 times, 1 visits today)
loading...