Mga hindi dapat gawin pag may karelasyon na

Mga hindi dapat gawin pag may karelasyon na

Dapat alam natin kong ano ang dapat at hindi dapat gawin pag may karelasyon na. Dapat alam natin ang Tama at Mali sa isang relasyon. Huwag gagawa ng hindi magugustuhan ng isa’t – isa ng di mauwe sa isang malungkot na hiwalayan. Dapat sa kanya lang tumitibok ang yung puso kong may nagpapasaya na sayo mag isip kang mabuti at gawin mo ang tama sa iyong paningin.

Pacute.com: Mga hindi dapat gawin pag may karelasyon na 1Huwag ng Magpaligaw Kong Meron ng Kasintahan

Yan ang sakit ng mga taong di marunong makuntento sa kanilang karelasyon . May bf/gf na nagpapaligaw pa iba isa isa lang mga ate at kuya di kayo mauubosan madami pa ang lahi ni adan.

Huwag makipaglandian Kong may kasintahan na

Yes! kaya please lang pag may kasintahan kana wag kanang makipaglandian iwasan mo kong maaari. Pumasok ka pa sa isang relasyon kong gusto mo palang makipag landian sa iba kong gusto mo sa kasintahan muna lang para hindi masama sa mata ng ibang tao.

Huwag magEntertain ng iba

Iwasan mong eentertain ang ibang taong alam mong guso ka malay mo trip ka lang nya or baka tinitingnan lang nya kong anong klase kang tao. Kaya wag mong hayaan na sumama ang tingin ng ibang tao sayong sarili. Hindi naman masamang umiwas pag may karelasyon na.

Pacute.com: Mga hindi dapat gawin pag may karelasyon na 2Dumistansya sa Taong Alam mong gusto ka

Dapat dumistasya ka kong alam mong may gusto sayo yung isang tao. Tandaan mo may karelasyon ka na dapat mong respetuhin kahit hindi nya alam dapat gawin mo ang tama para sa ikakabuti ng inyong pag-sasama at pag-iibigan nyo.

Makipag Date sa Hindi mo Bf/Gf

Napakalandi muna yan pag nakipag date ka pa sa iba kahit may bf/gf kana. Hindi lang bf/gf mo ang niloko mo pati na rin ang sarili mo. Mahiya ka naman sa ginagawa mo o baka naman sobrang kapal na talaga nyang mukha mo kaya hindi ka nahihiya.

Huwag kang maglilihim sa iyong kasintahan

Wag kang maglilihim sayong kasintahan kasi walang lihim na di nabubunyag lahat lumalabas na baka ikasira pa ng inyong pagsasama. Mas okay pag walang kayong tinatago sa isa’t-isa. Nakakapag isip ka ng ayos at magiging maluwag ang iyong damdamin kong di kayo naglilihim.

Pacute.com: Mga hindi dapat gawin pag may karelasyon na 3Wag kumontak ng ibang lalaki or babae pag nag-away kayo

Okay lang ang kuntakin mo yung bestfriend mo pero pag ang kinuntak mo ay normal friend lang iba na yan hindi na yan maganda. Alam naman natin pag sa normal friend mo sinabi na nag away kayo syempre di nya kakampihan ang yung kasintahan sasabihin nyan sayo na makipaghiwalay kana sinasaktan ka lang naman non na mapapaisip ka at mas lalong maguguluhan ka magiging malapit kayo sa isa’- isa na baka sa huli mahulog ka sa kanya na baka pag-sisihan mo sa huli.

Pacute.com: Mga hindi dapat gawin pag may karelasyon na 4Huwag Magpakita ng Motibo sa iba

Kong may kasintahan kana wag kang magpapakita ng motibo sa iba dahil isa ito sa nakakasira sa inyong relasyon na dapat di mo gawin. Kung alam mong mali wag munang ituloy at kong ayaw muna sa kasintahan mo at may iba kanang gusto makipaghiwalay ka ng ayos sa iyong kasintahan.

If you have your own Mga hindi dapat gawin pag may karelasyon na , feel free to share it with us and we will be delighted to have them featured here at pacute.com Let us inspire more readers. For more updates, you can also visit and Like our Facebook Page pacute.com

 

 

(Visited 31 times, 2 visits today)
loading...