Lines ng mga Taong Umaasa pa din sa Ex boyfriend/ Girlfriend nila

Ang mga linyang ito ay patungkol sa mga naiwang tao na umaasa pa din na may babalik sa kanila at kahit mahirap ay hindi sila sumusuko, dahil iniisip nila na hindi pa huli ang lahat may pag-asa pang bumalik ang kanilang mga nakaraan at muli silang mamahalin, diba ang hirap umasa lalo na kung yung taong hinihintay mo may mahal na palang  iba.

1. “ Umaasa pa din ako na babalik sya ”
Ganyan yung mga sinasabi ng taong hindi malimot limotan ang kanilang mga ex, masasabi kong mahirap nga naman pero kayanin nalang natin yung sitwasyon kasi para din naman sa pansariling kapakanan natin iyon, pero depende pa din sa inyo yung kung gugustuhin nyong umasa at magpaasa.

2. ” Mahal pa din ako nun “
nakakainis lang isipin na hanggang ngayon umaasa pa din yung ibang tao sa kanilang walang kwentang ex or kung anu man hindi naman sa pagmamayabang or pagyayabang or pamimilit na din minumulat ko ko lang kayo sa katutunhanag hindi ka na nun mahal dahil kung mahal ka niya dapat hindi ka nya iniwan nung una palang.

3. ” Babalik pa yan ” 
Wag na tayong umasang may babalik pa kasi linawin mo nga sa sarili mo na kaya ka nya iniwan kaai hindi ka sapat at hindi ka na nya gusto tapos sasabihin mong mahal ka nya? Hindi na natin yun kasi kung mahal nga tayo nila hindi nila tayo iiwan yun yung tunay na pagmamahal nagaaway pero di naghihiwalay kung para sayo para sayo wag maghanap ng mas better kaya nasayo yan kasi sya yung para sayo .

4. ” Diko pa din malimutan yung mga ala ala natin “
Nasasabi lang siguro nila yun dahil hindi pa nila narerealize yung katotohanan na hindi na babalik ang kanyang mahal , hindi ko naman sinasabing dapat hindi na nya mahalin pero mas mabuti na yung kalimutan at patawarin na nya yung taong yun at mahalin na lang nya ang kanyang sarili.

5. “May chance pa tiwala lang ”

Ang hirap kayang maniwala sa ganyang bagay kasi nasasayo naman talaga kung alam mo talaga sa sarili mong may chance pa na bumalik sya okay lang maghintay ka pero kung wala na wala na talaga wag kang magpakatanga sa isang taong kahit kelan hindi nakita yung halaga mo at hindi ka na kayang mahalin madaming nagmamahal sayo tandaan mo yan naghihintay lang sila ng pagkakataon na umamin at magpakilala sayo minsan nga yung iba kilala mo na kaya wag kang magalala .

6. “Mahal ko pa sya”

Oo nga mahal mo pa sya ang mahirap dun mahal ka pa kaya nya? Napakahirap ng ganoong kalagayan kung iisipin diba? Minsan kasi kailangan din nating mapagod magpahinga at sumuko hindi sa lahat ng oras kailangan nating lumaban para sa yung pinaglalaban mo kung sya na din mismo yung lumalayo sayo diba? Kaya mas mabuti pang wag kana lang mag sayang ng oras .

Thank you and God Bless you all

Please like and Share

(Visited 1 times, 1 visits today)