Life struggle Quotes

Ang mga Quotes na ito ay patungkol sa mga problema na nangyayari sa ating buhay at mga pagkakataong napupunta sa mga ganitong kalagayan at estado sa ating buhay.

” Minsan mas masayang MAG-ISA “

Oo minsan kailangan nating magisa kailangan nating magisip isip ng mga bagay na para sa ating sarili lang, oo sobrang daming tumatakbo sa isip natin pag magisa tayo pero mas isipin natin yung para sa ating sarili sapagkat makakatulong ito ng lubos sa ating buhay, minsan din ba ay nararamdaman mong mapapaluha ka nalang sa mga nangyayari sa ating buhay?! Ang sarap din pala na isipin ang mga problema sa buhay isipin lang muna pagplanohan kung ano ang dapat o maaring gawin mas malilinawan tayo sa mga bagay bagay na ating lulutasin.

” Ang PROBLEMA sinusulusyonan hindi PINOPROBLEMA “

Sa buhay normal na ang magkaproblema dahil kung walang problema bakit paba tayo nabubuhay? Diba? Minsan kung may problema ka mas mabuting gawan natin ng sulosyon kesa problemahin natin bakit ? Dahil mas mabuti naman talaga gawan mo ng sulosyon kesa iniisip mo lang nang iniisip diba, kaya kung may problema tayo wag na nating patagalin kase mas matagal mas mahirap.

” Gumawa ng may disiplina hindi yung pa basta basta “
Totoo naman na mas mabuting gumawa tayo ng may disiplina ng may pagmamahal ng may pangunawa hindi sa lahat ng oras ay basta basta nalang, yun bang parang wala lang satin o sayo mas okay na yung katulad ng ganun kesa mamadaliin at basta basta nalang malalaman mo din yung panget na kalalabasan ng ginawa ko kapag binasta mo lang ito, kung ia-apply natin ito sa buhay mas mabuti nang magpursige tayo wag yung go with the flow lang palagi mas mabuti nang pagplanohan ayusin at magpursige tayo sa buhay para makamit nating yung bawat pangarap natin sa buhay.

” Mas mabuti nang maghintay kesa mag madali “
Oo mas maganda na yung maghihintay ka muna kahit pa gaano katagal yun at least naipapakita mo yung tunay na ikaw dun ka niya nakikilala at mas makikilala pa kesa naman madaliin mo ang isang bagay or pag dating sa isang babae mas lalong malalayo ang loob nya sayo mas lalong papanget ang resulta mas magiging magulo ang kalagayan nyo kaya kung may kalagayang ganito tayo maghintay tayo kesa magmadali.

” Mahirap mahalin ang taong mahal ka lang dahil mo “
Napaka hirap nga naman ng ganitong kalagayan yung tipong mamahalin mo lang sya dahil mahal ka lang nya, sa buhay natin madaming nangyayari may mga pagsubok na pumapasok at hindi mo namamalayan na nasasaktan kana nito diba ang hirap magmahal ng taong hindi mo naman talaga mahal yung napipilitan ka lang kasi minsan nadadala ka ng awa at konsensya masasabi din naman nating kaya nating mahalin pero matatagalan pa yun at kung mamahalin may kulang pa din sa inyo kaya kung may ganitong kalagayan ka sabihin mo na agad habang maaga pa para hindi na sya masaktan ng sobra kasi kung mas matagal mas masakit.

Magbigay daan para sa iba hindi yung sayo lang palagi “

Magbigay daan tayo para sa iba oo magbigay tayo ng pagkakataon para sa iba hindi naman pwede yung kapag ikaw na or sayo na hindi kana magsi-share mas mabuti pa din yung magsishare ka sa iba mas makakabuti yun hindi yung selfish ka lang magmumukaha ka lang masama sa paningin ng iba.

” Gumawa ng inspired wag yung expired “
Tama mas magiging maganda ang kakalabasan kung gagawa tayo ng inspired tayo hindi yung basta lang gawa ng gawa mas okay kung gagawa ng may pagmamahal at magmamahal ng may pangunawa.

” Wag mo namang palagiing maging TANGA “
Oo sa buhay maraming nagpapakatanga yung tipong pinipilit nila yung gusto nila sa hindi sila gusto mahirap yung ganung sitwasyon kasi mas lalo lang tayo maguguluhan kung hindi tayo nagpo fucos sa isang bagay mas mabuti pang gawin nalang natin yung best natin dun sa bagay na kaya lang natin ang hirap talagang maging tanga sa buhay kaya iwasan natin yun minsan lang natin gawin.

” Forgive and Forget “
Mahalagang bagay ito sa mundo magpatawad at kalimutan kasi hindi sa lahat ng pagkakataon dapat magpakatanga tayo magpatawad din tayo at matutong kumalimot kasi mas gagaan ang pakiramdam natin kung ganun yung mangyayari kalimutan lahat ng badvibes patawarin lahat ng nagkakasala satin diba kung ang diyos nga nakakapag patawad tayo pa kayang mga tao diba? Mahalin natin muli sila ngunit hindi na gaya ng dati dito mas madali tayo makaka move on.

“Maraming salamat sa pagbabasa ng aking nagawang mga pacute quotes , sana’y magpatuloy pa ang inyong busilak na pagsuporta sa pacute.com GOD BLESS YOU ALL PO.”
LIKE AND SHARE

 

(Visited 1 times, 1 visits today)