Latest Tagalog Hugot Quotes

Whenever we fall to sadness due to break – ups or LQ’s, lagi na lang tayong naghahanap ng outlet para kahit papaano e mabawasan ang sakit na nararamdaman natin. Minsan, kuntento na tayo na kasama ang mga kaibigan natin when we are down. Alam kasi natin na kahit anong mangyari, they will always be there para suportahan tayo.

But what do we do when we’re hurt at hindi natin matagpuan ang mga friends natin? Alam ko, sometimes, we stay in our room hoping na mawawaladin yung sakit na nararamdaman natin. Kasi this is the time na naiisip natin na, “Siguro kailangan muna nating mapag – isa.”, o kaya, “Siguro this is the right time para makapag – isip isip.” We always overthink whenever we are left alone. Nag – iisip tayo ng kung anu – ano until the only things we can think of are those crazy ideas na sa halip na makatanggal sa problema natin, ay lalo lang nadadagdagan.

Then we try everything para di na makapag – isip ng mga bad things na magbibigay lang sa atin ng kalungkutan. Then sometimes we receive text, e – mails or chats na talaga namang pinapasalamatan natin kung sino man ang nag – send satin. Bakit ba naman kasi, laging right timing yung mga hugotero at hugotera kung mag – message sa atin. Ayan tuloy, todo relate tayo at todo follow agad sa mga payo nilang super relate tayo.

Hugot Quotes1.Try mong wag replyan. Tignan natin kung ikaw naman ang susuyuin nya.

 

Sa sobrang pagmamahal kasi natin sa mga dyowa natin, di natin matiis ang mga sarili natin na itext sila lalo na kung nagkaroon tayo ng konting away with them para kahit papaano e, huwag ng lumaki yung away. Tayo na lang yung nagpapakumbaba para naman di na lumaki yung gulo. Pero, why don’t we try na wag muna silang itext. Sila naman yung magbigay ng effort, tingnan natin kung susuyuin ba niya tayo. Itry naman natin yung tayo ang suyuin, hindi yung tayo na lang palagi.

Hugot Quotes2.Dahil sayo natuto akong magpahalaga ng mga bagay na posibleng mawala rin.?

We learn to appreciate things once na makaramdam tayo ng pag – ibig para sa isang tao. Natututunan natin kung paano pahalagahan ang isang bagay kahit na alam naman natin na may possibility din itong mawala sa atin kagaya ng pagkawala sa atin ng mga taong minsan ay minahal natin. Nagiging attached kasi tayo minsan sa mga bagay o tao na minsan ay naging mahalaga sa atin.

Hugot Quotes3.Masaya kami kapag magkausap kami. Pero wala namang KAMI.

 

Kuntento na kasi tayo minsan na makita lang o makausap yung taong mahalaga sa atin. Sobrang mahalaga na sa atin yung moment na nakakasama natin sila at minsan hindi na tayo naghahangad ng sobra. Natatakot kasi tayo minsan na baka hanggang dun lang talaga. Natatakot tayo na baka masira pa kung ano yung meron na kayo ngayon.

Hugot Quotes4.Pagisipan mo rin mabuti yung nararamdaman mo. Hindi yung kinilig at napangiti ka lang ng konti, feeling mo siya na.?

 

Hindi naman kasi porke’t kinilig ka at napangiti dahil sa isang tao, ibig ng sabihin nun ay kayo na yung nakatakda para sa isa’t isa. Dapat mag – isip din tayo minsan ng mabuti kung ano nga ba talaga. Baka kasi napangiti lang siya sa taong nasa likuran natin at nag –assume tayo na tayo na yung nginitian. Siguraduhin muna natin lahat ng bagay bago tayo mag – decide. Iwas – disgrasya na, iwas – sakit pa. Iwas –asa, iwas – tanga.

Hugot Quotes5.Kaya tayo nasasaktan dahil binibigyan natin ng meaning yung mga bagay na wala naman talaga dapat kahulugan.

 

Masyado kasi tayo kung umasa, para bang wala ng bukas kung mag –assume tayo. Kaya ayan, tayo rin mismo yung nasasaktan dahil sa mga maling akala natin. Hindi naman kasi lahat ng bagay ay dapat nating hanapan ng dahilan, minsan kailangan lang talaganatin silang hayaan.

Hugot Quotes6.Kaya ka nasasaktan. Sa halip na iwasan mo, lalo mo pa nilalapitan.

 

Bakit ba kasi hindi natin kayang layuan o iwasan man lang yung mga bagay o taong nakakasakit sa atin? Alam na nating hindi pwede pero tuloy pa din tayo. Lapit pa din tayo ng lapit, hindi ba tayo naaawa sa mga sarili natin? Unlimited ba yung mga luha natin kaya kahit sobrang sakit na, sige lang tayo ng sige? Ganyan ba talaga kapag nagmamahal? Kailangan, unrequitted? Pagmamahal ba talagang maituturing kung tayo lang yung nakakaramdam?

Hugot Quotes7.”Sa dami ng iniisip mo araw araw, kahit minsan ba naging isa ako sa mga yun?” 

 

Hindi talaga natin maiwasan minsan na mangarap na sana kahit minsan, maisip din tayo ng taong hinahangaan natin o minamahal natin. Deep inside kasi napaka – hopeless romantic natin. Kahit papano, gusto nating maranasan na kahit man lang sa panaginip makasama natin yung taong mahal natin. Ganun talaga e, kung sino pa yung taong gustong gusto natin, minsan sila yung kahit kailan ay hindi natin maabot.

Hugot Quotes8.May mga tao talaga na kapag wala na sayong mapapala, bigla nalang mawawala.

 

Marami kasing tao ngayon yung kasama lang natin hangga’t may mapapala pa sila sa atin. Tayo namang si tanga, konting words lang galing sa kanila, bigay agad tayo. Minsan nga nalilimutan na nating mag – tira ng kahit konti lang para sa sarili natin. Pero after nilang makuha lahat ng gusto nila sa atin, bigla na lang silang mawawala na parang bula. Daig pa nila si the Flash sa bilis nilang umalis sa buhay natin.

Hugot Quotes9.Huwag mo na siya habulin. Hayaan mo na siya. Maawa ka sa sarili mo. Tama na.

 

Minsan kailangan lang talaga nating matuto mag – let go. Mahirap kung tutuusin. Pero minsan, kailangan din nating bigyan ang sarili natin ng pagkakataon para makapag – isip, mag lay low kung baga. Kailangan natin minsan mapag –isa para mas maisip natin kung ano ba talaga ang mas mahalaga.

Hugot Quotes10.Minsan talaga mapapasabi ka nalang ng “ayoko na, di ko na kaya”.

 

Dumarating talaga sa point na minsan, tayo na yung sumusuko dahil sa sobra na yung mga ginagawa nila sa atin. Hindi naman kasi nangangahulugang naduduwag tayo kaya tayo sumuko, nag –sawa lang tayo dahil paulit – ulit na lang yung mga ginagawa nila sa atin. Yung kahit araw – araw na natin silang pinapatawad, sige pa rin sila sa kalokohan at sakit na dinudulot nila sa atin.

(Visited 37 times, 1 visits today)