IBA’T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS

“IBA’T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS”

Pagdating sa inuman, d’yan talaga naglalabasan ang iba’t ibang uri ng mga manginginom.  Madali lang naman silang makilala kung tutuusin, pupwede nga natin silang ilagay sa kani – kanilang kategorya para mas madali nating malaman kung saan tayo kabilang.

Gusto n’yo bang malaman kung alin sa mga ito? Basa lang, mga pre.


IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 1

“The Manager –  Palaging nagyayaya at palaging taya”

“Sila yung mga laging promotor sa inuman, parang lagi na lang silang may problema, halos araw araw na kung magyaya ng inuman. Para bang may nakatago silang banko sa bulsa nila”

IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 2

“The Playmaker – Tanggero sa inuman, pinagmamasdan ang mga kilos nila”

Sila naman yung lagging nag – uumpisa sa ikot ng tagay. Sila yung maaasahan natin sa mga oras na may gusto tayong lasingin. Sila kasi ang may control kung gaano kataas o kababa ang iinumin natin

IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 3

“Kid Senti – Madaming naaalala kapag nakainom na”

“Sila yung mga kainuman natin na silent type sa umpisa, pero once na nasapian na sila ng espiritu ng alak, bigla na lang umiiyak dahil may biglang naalala

IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 4

“Kung Fu – Kung Fumulutan malupit! Tirador ng pulutan, ginawang picnic”

Sila yung mga akala mo e laging mauubusan, hindi pa nakakatagay, namumulutan na. Para bang hindi

IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 5

“The Choosen One – Official runne sa tindahan, taga-bili ng yosi, alak at yelo, taga-linis ng kalat”

Sila yung mga laging sabit sa inuman. Gustong gusto nilang uminom pero wala silang pang patak, kaya para makatagay, nagiging utusan na lang sila

IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 6

“The Incredible Hulk – Palaging naghahamon o naghahanap ng away”

Ito naman yung mga mag – iinom na basag ang pula kung malasing. Daig pa nila si Batman kung mang hamon ng away. Sila yung laging naghahanap ng trobol pag lasing

IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 7

“Sex Finder -Naghahanap ng mangyayari/mayayari kapag lasing”

Sila naman yung mga manginginom na kusang nagpapalasing dahil nagbabakasakali sila na baka may sumakay sa trip nila. Minsan, naglalasing lasingan pa sila, para lang makapambiktima

IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 8

“Barber – Mahilig magkwento kahit wala ng sense yung sinasabi”

Sila yung palaging may baong kuwento. Prepared sila palagi, gusto kasi nila na sila lagi ang bida sa inuman. Kaya kahit wala ng sense yung kinukwento nila, tuloy tuloy lang sila sa pagsasalita.

IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 9

“Videoke King / Queen – Wala ng pakialam pag may hawak na mikropono”

Sila yung mga kainuman natin na basta may videoke sa inuman, paniguradong wala na silang pakialam kahit taasan mo man yung tagay nila. Para silang sabik na sabik sa mikropono, nakalista na kasi yung kakantahin nila, minsan, nga hindi ka na makakanta kasi nang – aagaw pa sila ng kanta

IBA'T IBANG URI NG MANGINGINOM QUOTES AND SAYINGS 10

“The Originals – Palaging kasama, kahit saang tagayan present”

Sila yung mga original na member ng barkada. Mga oldies kumbaga, unang beses mo pa lang uminom, sila na yung mga kasama mo, sila yung mga taong hindi ka iniwan, basta’t may alak na pupuntahan. Sa lungkot at saya, lagi kang makakaasang may alak na babaha


Sana ay nagustuhan nyo to, maraming salamat sa pagbisita sa aming blogsite. Marami pa pong iba. Please like and share.

(Visited 6 times, 4 visits today)