Hugot para kay Crush

Hugot para kay Crush

 

Normal sa buhay ng tao ang magkacrush minsan pa nga lumalala pa ito. Pero sa buhay natin kung may crush ka dapat marunong kang magcontrol alam mo ang limitasyon mo lalo na kung may jowa ka. Hindi yung may jowa ka nga at nagkacrush ka gusto mo maging jowa din di ba pwedeng gawin lang inspirasyon. Minsan talaga desisyon ng isang tao magulo wala bang isang salita. Kaya maraming nasisirang pagmamahalan dahil sa maling desisyon eh. Gawin mo nalang inspirasyon sa araw-araw para walang masirang relasyon dahil sa kalindaan mo….

  • Buti pa ang biyahe ni Drew. May narating na eh tayo?

Minsan mahal mo ang isang tao ngunit ang tanong mahal ka ba niya? Buti ang mga manlalakbay may nararating eh yung sa atin ba???? Hanggang dito nalang ba hindi ba pwedeng umusad pa?? Mahirap umasa at mangarap kung ang pinapangarap mo ay iba ang pinapangarap. Ang iba malayo na nararating tayo nakatigil pa rin. Ano ba talaga tayo?? Mahalaga ba ako??? O pinapaasa mo lang ako???

  • Bakit ko pa kailangan maglista ng top 1 to 10 ko…kung ikaw ang Pinaka ko?

Minsan tatanungin ka ng isang tao ee alam naman niya na siya gusto mo,… Minsan sadyang magulo utak ng iba tao di mo alam kung pinaglalaruan ka o sadyang niloloko ka lang??…Sa mga taong inlove d mo nakailangan tanungin ang kanilang 1 to 10 kasi isa lang ang sagot ng mga yan “ikaw lang sapat na” kasi kung gusto ko kontento na yang mga yan na makasama ka at maging masaya sa piling mo..  Sabi nga nila “Hindi ko kailangan ng yaman sa mundo ang kailangan ko ay ikaw”.

  • Huwag mo ng itanong kung anong gusto ko! Baka madulas pa ako at ikaw ang masabi ko.

Minsan mahirap magmahal ng may mahal ng iba, lalo na kung kaibigan mo tinanung ka kung sinong mahal mo..di ba mahirap sagutin kung mismong ikaw nahulog na sa kanya.. mahirap umamin sa taong mahal mo kung may minahal pa siyang iba.

Hugot para kay crush

  • Sabi nila timang daw ako pero di yan totoo. Mali bang ngumiti ako pag ikaw ang iniisip ko?

Masarap magkacrush sa isang tao… Hindi naman siguro masamang humanga di ba?? Minsan maalala mo lang sya masaya ka na kahit simpleng bagay nagiging masaya ka dahil sa kanya.. ‘Yung tipong mga simpleng bagay na nangyari katulad ng ngitian ka at tumingin sa’yo diba masaya kana.

  • Tandaan: pwedeng kiligin pero bawal mag-assume.

Minsan masarap mag-imagine at kiligin ngunit hanggang dun ka na lang ee kasi kahit anong gawin mo hinding hindi.. magiging kayo. Di’ba ang sakit pedeng kang kiligan pero bawal mag-assume.

  • Alam mo ba ang salitang pagmamahal hindi ko yan pinag-aralan. Pero sayo ko yan natutunan.

Alam mo ba nung una hindi ko alam ang ibig sabihin ng pagmamahal pero nung nakilala kita nagbago ang lahat ito pala ang pagmamahal. Hindi ko inaasahan na mamahalin kita sa kabila ng mga balakid na nakahara sa ating dalawa. Natutunan kung tiisin ang lahat mahalin ka lang.

Hugot para kay crush

  • Kung sa aso aw aw.. sa pusa ai meow meow eh ano naman yung sa puso ko eh di ikaw ikaw..

Kung ang mga hayop ay may sariling sigaw ang puso ko isa lang ang isinisigaw at yun ay ikaw…Kahit anong gawin ko at kahit san ako pumunta ikaw pa rin ang hinahanap hanap at sinisigaw ng puso ko ..”mahal talaga kita eh wala na akong magagawa pa kundi mahalin ka hanggang sa dulo ng walang hanggan.”

  • Kelangan pa ba ng notification para malaman mong LIKE kita?

Ang pag-ibig parang facebook pwede kang magmessage at maglike. Pero kung hindi mo alam na mahal kita pede ba padalhan kita ng notification na like kita para malaman mo, kasi minsan nagpaparamdam na nga hindi ka pa rin pinapansin ang saklap diba?? Buti pa yung facebook lagi mong pinapansin sana ako din andito lang naman ako sa tabi mo.

  • Sa bawat pag ngiti at pagtawa mo. Hinihiling ko na sana ang dahilan ay ako….

Sa tuwing nakikita kitang nakangiti at nakatawa  ay pinagdarasal ko na sana ako ang dahilan. Masaya ako kapag masaya ka..Mahal kaya kita hindi mo ba alam? Sa bawat pagsilip ko sa’yo masaya ako at pinapangarap na darating din ang araw na magiging masaya ka sa piling ko.

 

  • Exchange gift tayo sayo ako akin ka…

Pasko na pwede ba exchange gift tayo ako sayo at ikaw ay akin. Pangako kapag ikaw ay naging akin, ikaw ang magiging pinakamasayang tao sa balat ng lupa. Matagal ko  ng pinapangarap na maging akin ka eh. Sana ngayon iregalo mo na sakin.

Thank you for visiting our blog site. For more information visit our website page pacute.com. Please like and share.

 

(Visited 420 times, 1 visits today)
loading...