Hugot ng Tunay na Cute…

Hugot ng tunay na cute…

Mga hugot na cute na tulad ko na minsang naranasang masaktan, iwan, balewalain at hindi pahalagahan. Sigurado akong makakarelate ang ilan sa inyo na katulad kong cute din :D. Being hurt doesn’t mean na dapat kana sumuko kundi dapat matuto kang harapin ang mga pagsubok na darating pa at magging mas matatag pa.

Hugot ng Tunay na Cute…
1 Minsan kahit hindi ikaw yung nangiwan, ikaw pa rin yung nagsisisi.
May mga pagkakataon talagang kahit ikaw yung iniwan ikaw yung makakaramdam na ikaw yung dahilan nang paghihiwalay niyo, ikaw yung may kasalanan, inshort ikaw yung guilty, Feeling mo kasi wala kang ginawa para magstay siya. Diba ganun naman talaga parating nasa huli yung pagsisisi, sa huli lagi natin narerealize yung mga mali natin kapag wala na, kapag iniwan kana at wala ng chance bumalik sya. Minsan kasi nagiging kampante tayo masyado sa relasyong meron tayo kasi feeling natin hindi tayo kaya iwan kasi mahal tayo. Oo mahal tayo pero hindi ibig sabihing mahal ka hindi na sya mapapagod, na hindi ka niya magagawang iwan. Sa relasyon kasi importante yung may oras kayo sa isa’t isa, pero hindi sapat yung oras lang kailangan ding nageeffort ka. Malay mo kaya ka iniwan dahil nagkulang ka sa oras sa time at pagpapahalaga.

2 Alagaan mo yung taong mahal mo katulad ng pagaalaga mo noong nanliligaw kapa.
Minsan yung mga lalaki kapag napasagot na nila parang wala na lang, binabalewala na nila yung girl.. bakit ganun? Finafall nila yung girl para pabayaan lang ano yung point nila dun? Para magpaasa? Para manakit? O para may maidisplay lang? Sabi nga sa akin ng aking tito ang babae daw maihahalintulad sa bulaklak… bakit mo pa daw pipitasin kung itatapon mo lang? Hindi ba dapat kapag pumitas ng bulaklak or nang halaman dapat mong alagaan? Upang mas lalong lumago at tumatag “ang inyong relasyon” Hindi yung matapos mo mapaoo papabayaan mo nalang na parang wala lang. Nabuhay tayo para magging masaya hindi upang maghirap.

Hugot ng Tunay na Cute…
3 Yung kaka-break nyo lang pero kinabukasan may bago na sya agad.
Yung feeling na parang kahapom lang ang saya saya niyo pa, yung tipong di nyo kaya mawala ang isa’t isa tapos biglang may mahal na syang iba? Ano yun? Minahal ka ba talaga niya o kailangan ka lang niya kasi naboboring siya? Minahal kaba talaga o palipas oras ka lang niya? Mahal kaba talga niya o pandisplay ka lang niya? Diba kapag mahal ang hirap makamove-on? Ang hirap makalimutan yung mga moments na masaya kayong dalawa? Pero pwede namang rebound niya lang yung bago niya para makalimutan ka niya? Hindi natin alam pero diba mas makakabuti kung limutan mo nalang siya?

4 Minsan kailangan mong ilabas lahat ng sama ng loob mo, para malaman nilang hindi unlimited ang pasensya mo.
May mga taong sumosobra na mga taong hindi nakakaramdam na nakakasakit na sila na masyado na silang nagiging pabigat… Minsan dapat ipakita mo sa kanyang nahihirapan ka rin na tao ka rin tulad niya may puso at damdamin ka na napapagod ka rin tulad ng iba.. Kung ipapakita mo, ipaparamdam at sasabihin mo sa kanyang nahihirapan ka or ayaw mo ng mga ganung bagay… isang goal ng pakikipagrelasyon ay para magging Masaya hindi para pahirapan ang sarili.

Hugot ng Tunay na Cute…5 Magpacute ka man ng magpa-cute sa isang tao, hindi ka rin papansinin kung hindi naman talaga siya interesado sayo.
Sa palagay mo may chance kabang mapansin nang taong gusto mo, gayung hindi sya interesado sayo? I guess oo maraming paraan para mapansin ka niya… pero hindi ko masisisguro na posibleng magustuhan ka rin niya… Hindi ko sure pero posibleng din… 😀 hindi ko kasi masasabi yun alam niyo naman magkakaiba ang tao sa mundo… oo sa ngayon pwedeng hindi ka niya pinapansin or hindi ka niya gusto pero sabi nga diba “people change” kaya kung gusto mo ang isang tao effort parin talaga ang susi.. Btw hindi na pwede yung taken na hah! Matuto rumespeto sa relasyon ng iba… kung ayaw mong maagawan nang taong mahal huwag kang mangagaw.. sabi nga “Huwag mong gawin yung ayaw mong gawin sayo” as a simploe logic as that.

 

6 Ang buhay parang kwentong barbero minsan totoo minsan hindi.
Parang sa lovelife lang akala mo totoong mahal ka niya yun pala pinapaikot kalang niya. May mga taong magaling manlinlang ingat kayo. Sasabihin kayo lang, mangangakong hindi kayo iiwan.. alam niyo kung bakit? Simple lang para mas masakit kapag iniwan na nila kayo… para mas matagal makamove-on at syempre kung may negative na outcome merong positive… mas magiging matatag ka at matututo ka sa pagkakamaling minsan mong naranasan. Kasi sa araw araw nating pamumuhay may mga lessons tayong mapupulot na paaring magging way upang mas magging better person tayo.

Hugot ng Tunay na Cute…
7 Pinakamasakit na feeling yung akala mo minahal ka niya, pero HINDI PALA.
Di ba ang sakit sa pakiramdam na yung taong akala mo minahal ka ng tulad ng pagmamahal mo sa kanya ay nagkukunwari lang pala or panakip butas kalang pala? Yung tipong sinagot kalang para makamove-on? Para lang matakasan yung sakit na nadarama niya para may dumamay sa kanya sa oras na naaalalala niya yung nakaraan nila? Yung akala mo miss kalang niya kaya gusto ka niya Makita yun pala nahihirapan lang siya magmove on kasi mahal niya pa yung ex niya? Ang masakit pa nito kapag nakamove-on na or nagkaayos na ulit sila iiwan kanalang bigla na parang wala lang. Asang asa ka yun pala ginawa kalang panakip butas, may magagawa kapaba? Makakapagreklamo kaba? Diba hindi kasi wala kanang karapatan kasi panakip butas kalang naman.

8 Kung crush, crush lang. Wag kang mahuhulog. Masasaktan ka lang.
Minsan isa pa to sa nagiging dahilan kaya maraming nasasaktan, Huwag aasa kung hindi prepare masaktan. Hindi kasi lahat ng crush minamahal ung iba dapat ginagawa lang insperasyon para magsuccess ka sa buhay or sa pagaaral mo para sa mas mataas na grade. Sa lalaki ok lang siguro ipagtapat kung gusto mo si crush pero be ready sa kanyang response kung tumanggi tanggapin huwag magtanim ng sama ng loob. Sa babae naman Kung crush mo si boy huwag ka magbibigay ng malisya, minsan kasi may mga lalaking mapagsamantala. Kapag nalaman nilang gusto mo sila liligawan ka nila dahil alam nilang gusto mo sila hindi dahil mahal ka nila, pangdisplay lang kung baga. Kaya kung crush, crush lang huwag magmamadali.

Hugot ng Tunay na Cute…
9 Mahal mo siya, mahal ka niya pero mas mahal ang tuition fee kaya MAG-ARAL ka muna!
Minsan kahit mahal niyo isa’t isa marami talagang hadlang, pero I suggest as long as kaya niyo naman ipaglaban ang isa’t isa bakit kayo maghihiwalay diba? Kung mahal man ang tuition ei kung nakakatulong naman sig f/bf para tumaas grades mo bakit mo iiwan diba? As long na good influence sayo partner mo huwag mo iiwan.

10 Mahirap kapag yung pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding iba.
Diba napakahirap na yung taong mahal mo iba ang mahal? Pero alam niyo ba simple lang naman ang gamut dun? Huwag ka nang umasa sa taong taken na, kung gusto mo talaga siya magging Masaya pwede ka namang magging friend niya diba? Yung tipong dadamayan mo siya sa oras na nangangailangan sa, kumbaga ikaw yung magiging tagapag –ligtas ng naaapi char, ikaw yung magiging knight and shining armor. Kung hindi man ikaw yung taong makakasama niya habang buhay ikaw naman yung taong malalapitan niya sa bawat araw.

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...