How to find your true Love

How to find your true Love

Marami parin naman ang naniniwala sa forever. Kung sa panahon ngayon marami ang nagsasabing wala pero alam naman natin na kung seryoso ka sa buhay at maghihintay ka sa itinatakda para sa iyo ay may forever. Ang pagmamahal ay hindi basta basta maraming bagay ang nasasakripisyo nito  kaya dapat minsan kaya mo ring sumugal upang makamit ang iyong hangad. Hindi lahat ng bagay ay nadadala sa pagmamadali, matuto kang sumabay sa agos ng buhay, at maghintay sa tamang panahon. May mga senyales na natagpuan mo na ang iyong “the  one” , kaya matuto ka makontento sa taong nagseseryoso para sa’yo baka mawala pa yan. Tandaan laging nasa huli ang pagsisisi.

How to find your true Love

  1. Kung di ka ikinahihiya ng jowa mo.

Minsan yung nag jojowa lang dahil may napapakinabangan ngunit sa tuwing kasama ito ay ikinahihiya naman. Ito ay kalimitang nangyayari minsan naman may makatabi lang ng gwapo at maganda habang magkasama kayo ay bigla hindi ka naman kilala. Yan ang hirap sa atin ee magjojowa tayo pero hindi naman tayo proud… Minahal muh pahalagahan at ipagsigawan muh hindi nakikita sa panlabas na kaanyuan ang tunay na pagkatao ng isang tao.. tandaan ang tunay na kagandahan ng isang tao ay makikita kung paano sya magpakatao.

  1. Kung ang lalaki ay handang humurap sa magulang mo.

Maraming lalaki ang takot humarap sa magulang ng babae lalo na kung matapang ang ina o ama ng babae, kaya kalimitan ang relasyon ay patago. Maraming relasyon ang parang laro lamang ngunit kung talagang seryoso kayo sa pagmamahalan ninyo gagawin ninyo ang tama , ipapaalam ninyo ito sa magulang ninyo. Ang tunay na nagmamahal ay susunungin ang lahat upang ipaglaban at ipaalam ang kanilang tunay na layunin, hindi yung iba pala ang pakay sa’yo. Maraming babae ang naghahangad na makahanap ng lalaking tunay na magmamahal sa kanila…Ang hindi nila alam dumadating ito ng kusa sa tamang panahon at sa tamang tao.

  1. Kung iniisip niya future ninyo.

May taong sadyang advance kung magisip lalo na yung mga seryoso sa buhay. Masarap mahalin ang mga taong iniisip ang kinabukasan ninyo na magkasama ngunit dapat kailangan paring may gawa para matupad ang mga pangarap ninyo..Ito yung taong hindi ka iiwan kahit anung mangyari kahit unos pa ang dumating sya ang magiging pader muh upang ito’y malampasan.

How to find your true love

     4.Tiwala

Isang salita ngunit mahirap ibigay. Ito ang kailangan upang humaba ang inyong relasyon kahit magkabilang mundo ang inyong layo kung meron kayong tiwala sa isa’t isa kahit anung unos pa ang dumating ay malalampasan ninyo ito.Maraming nagsasabi na kapag ang relasyon ay long distance relastionship o LDR ay hindi nagtatagal, ngunit kung may tiwala kayo sa  isa’t isa hindi malayong magkaroon ng forever. Bakit ka pa magmamahal kung di mo rin naman pala kayang ibigay ang tiwala.

     5.May prinsipyo sa buhay.

Masarap magmahal ng taong may prinsipyo sa buhay igagalang ka niya hanggang dulo ng inyong  pagsasama. Masarap magpahalaga ng mga taong minamahal at pinahahalagahan ka. At masarap mabuhay at tumanda na kasama ang taong nagbago ng buhay muh at nagbigay inspirasyon upang madama ang tunay na kulay ng buhay.

     6. May takot sa Diyos.

Isa sa mga batayan ng pagpili ng taong mamahalin ay ang may takot sa Diyos. Dahil ang may takot sa Diyos ay takot ding gumawa ng masama sa kapwa dahil alam niya na may kabalikat na kaparusahan ang bawat pagkakamaling magagawa. Ito rin ay makakatulong upang mamuhay kayo ng matiwasay.

How to find your true love

     7. I Love you

Ang salitang hindi dapat makalimutan ng bawat isa. Dapat kahit isa nito ang marinig o magsabi ang bawat isa. Ito ay isa sa mga susi upang hindi ninyo malimutan ang bawat isa at humaba ang inyong relasyon.

     8. Iginagalang ka

Marami ang nagmamahal ngunit inaabuso. Maraming nagpapakatanga ngunit binabaliwala. Marami rin ang hindi gumagalang sa mga kababaihan at isa lang ang hangad nila… at kapag ibinigay muh agad iiwan ka na parang basura sa isang tabi. Ito ang masakit ng pangyayari na nangyayari sa ating kapaligiran.

      9. Pagbabalik tanaw sa Nakaraan

Importante sa bawat isa ang pagbabalik tanaw ng mga nakaraan ninyo katulad na lamang kung kelan kayo ng nagkita at nagkakilala. Ito ay nagiging bonding ninyong dalawa upang hindi ninyo malimutan kung paano kayo nagsimula. Ito rin ang magpapaala-ala sa inyo ng mga bagay na nagpapasiya sa relasyon ninyo.

      10. Masaya ka ba?

Ang pagmamahalan ng dalawang tao ay dapat masaya hindi isang panig lamang ang nagiging masaya at nakikinabang. Importante parin ang pagkakaunawaan at respeto sa isa’t isa. Hindi ‘yung nagjowa ka kasi iba ang pakay mo…dahil ang tunay na nagmamahalan ay nagdudulot ng walang hanggang kasiyahan.

Thank you for visiting our blog site and i’ll hope you enjoy reading. For more information visit our website pacute.com. Please like and share…

 

 

(Visited 1 times, 1 visits today)