Dahilan kong Ba’t May Naghihiwalay ?

Dahilan kong Ba’t May Naghihiwalay ?

Ang Breakup ay para sa dalawang taong pinagtagpo pero hindi itinadhana. Pinagtagpo lang kayo para magkakilala kayo pero hindi itinadhana para magmahalan ng habang buhay. Wala kasing permanente sa mundong ibabaw lahat tayo iiwan ng mga taong andyan sa paligid natin. Lahat tayo makakaranas ng HEARTBREAK kasi may PUSO tayo. Puso na ginagamit para magmahal at ang puso din ang nakakaranas para masaktan. Ginawa ang BREAKUP para ilayo tayo sa mga taong hindi karapat dapat sa ating pagmamahal.

Dahilan kong Ba’t May Naghihiwalay ?Dumarami na kasi ang Populasyon ng mga TWO TIMER

Yan ang hirap sa iba di na nga mabigay bigay ang oras sa isa naghanap pa ng isa. Hindi naman ata pwede na dalawa ang yong mahal kasi iisa ang yung puso. Kong di muna Mahal yung isa makipaghiwalay ka ng ayos. Hindi naman masamang magmahal basta isa lang dapat ng walang masaktan.

Hindi Marunong Makuntento Kaya Iniiwan

Uso na ngayon yang may mga reserba ang sisipag magmahal ng mga tao ngayon pati mahal ng iba minamahal na din nila. Dapat kuntento na tayo kung ano ang meron satin magpasalamat na lang tayo kaysa maghangad pa ng mas higit pa. Kung ayaw mong masaktan at iwan Dapat makuntento ka sa isa.

Dahilan kong Ba’t May Naghihiwalay ?May Lumalandi at May Nagpapalandi

Yan ang dahilan kong bat naghihiwalay may nagpapalandi at may lumalandi sakit na ata yan ng karamihang di makuntento sa isa. Ikaw Lumalandi ka umayos ka alamin kong may bf/gf na kong meron wag nang landiin pa. At ikaw namang Nagpapalandi siguraduhin mong wala kang bf/gf para di ka matawag na malandi tas pag sinabihan ng malandi magagalit e totoo naman.

Siguro kaya tayo Iniiwan ng Mahal natin Kasi hindi Tayo Sumama

Siguro nga kaya tayo iniiwan kasi hindi tayo sumasama. Kong Mahal naman talaga tayo di tayo iiwan kahit na hindi tayo sumama diba? Hirap kasi sa mga mag iiwan pag nakakita na ng bago tuluyan kanang papalitan. Wala silang paki kong anong nararamdaman nong iiwanan.

May Iba ng Nagpapatibok ng Puso Nya

Ito ang pinakamasakit na part sa Love na yung partner mo ay may iba ng gusto at kaylangan munang tanggapin ang katotohanan na hindi na siya sayo na may iba ng nag mamay – ari sa kanya. Kaylangan muna lang gawin e mag move on at maging masaya sa feeling ng iba.

Dahilan kong Ba’t May Naghihiwalay ?Wala ng Oras sa Isa’t – isa

Napakahalaga talaga na pareho kayong may oras sa isa’t – isa kasi kong wala kayong oras mawawalan na ng spark ang inyong relationship. Manlalamig na kayo sa isa’t – isa na mauuwe sa hiwalayan. Kaya napakahalaga ng oras sa isang relasyon kaya huwag mong hahayaan na mawalan ka ng oras sa iyong karelasyon.

“Pambansang Linya Pag Magbebreak  * Salamat sa Lahat *”

Ayown relate ang lahat bakit nga ba yan lagi ang sinasabi ng karamihan pag nakikipaghiwalay na. Nasabi muna rin bayan nong nakipaghiwalay ka? Or nasabihan ka na nyan nong may nakipaghiwalay sayo? Pagsinabihan ka nyan alam muna agad ang kasunod kong bat sya nagpapaSalamat.

Dahilan kong Ba’t May Naghihiwalay ?May Nakitang Mas Higit Sayo Kaya ka Iniwan

Ganon naman talaga pag may nakitang mas higit sayo iiwan kana ganyan naman talaga ang buhay ipagpapalit ka sa Bago. Parang Damit lang yan favorite kang suotin pag bago pag luma na iiwan kana. Kaya wag kang mag alala hindi sya ang tamang lalaki para sayo.

If you have your own Dahilan kong Ba’t May Naghihiwalay, feel free to share it with us and we will be delighted to have them featured here at Pacute.com Let us inspire more readers. For more updates, you can also visit and Like our Facebook Page Pacute.com

 

 

 

(Visited 19 times, 1 visits today)
loading...