Best 10 Tagalog Hugot Love Quotes

Masarap naman kasi talaga sa pakiramdam ang magmahal. Yung halos lumutang ka na sa sobrang sayang nararamdaman mo. Ganoon kasi talaga kapag nagmamahal e, feeling natin, tayo na ang pinaka maswerteng tao sa mundo. At nakahanda tayong gawin lahat ng makakaya natin, huwag lang mawala yung nararamdaman natin para sa isang tao.

Pero hindi naman nawawala sa isang relasyon yung masasaktan tayo. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon, masaya lang ang relasyon. May mga pagkakataon din naman na kailangang makaranas ang isang relasyon ng mga pagsubok para malaman kung gaano ba ka – tatag ang isang relasyon. Kasi nga naman, di ba, paano mo malalamang solid ang relasyon ninyo kung sa konting ihip lang ng hangin, nagpapadala na agad kayo?

Normal lang naman talaga yung makaranas ka ng ganyan sa isang relasyon. Hindi naman kasi lahat ng tao, magkakatulad kung mag – isip. Meron talagang pagkakataon na may mga taong gagawa at gagawa ng dahilan para masira kung anuman ang nabuo mo na. nag – kalat kasi sa panahon natin ngayon ang mga maninira. Kung sakali mang nagpadala kayo at nasira ang relasyon n’yo at hindi na talaga magaw’an ng paraan para mabuo ulit, pabayaan mo na lang, mag – move on ka na lang. In the first place, hindi naman kasi masisira ang relasyon n’yo kung di nagpadala sa paninira ang isa sa inyo.

Hugot Quotes

1.Kung sa tingin mo nagiging OKAY ka na, Wag ka na gumawa ng rason para maalala ulit siya.

 

Kung sa palagay mo nakalimot ka na at nakapag – isip isip, huwag mo ng balikan ang nakaraan. Hindi mo na din naman kasi yun maibabalik kahit ano pang gawin mo. Paano mo masasabing nakapag – move on ka na kung sa konting galaw mo, iniisip mo pa din siya. Paano mo masasabing nakapag – let go ka na, kung sa bawat salitang lumalabas sa bibig mo, siya pa din ang iniisip mo? Hindi dapat ganoon, kung nakapag move on ka na talaga, di mo na siya dapat pang alalahanin. Kung talagang ni – let go mo na siya, di na siya dapat pang isipin. Kalimutan mo na lahat ng tungkol sa kanya, para naman kahit papaano, masabi mo sa sarili mong, nakalaya ka na.

Hugot Quotes

2.Kung iniwan ka ng mahal mo, natural lang na umiyak at masaktan ka. Pero hindi dapat masira ang buhay mo ng dahil lang sa pagkawala niya.

 

Natural lang naman kasi ang masaktan kapag nagmahal ka. Ang hirap kasing maramdaman na pinagtraydoran ka ng taong pinagkatiwalaan mo. Kaya okay lang kung iiyak ka para mailabas lahat ng sakit na nararamdaman mo. Ang hindi normal ay yung sisirain mo ang buhay mo dahil lang iniwan ka ng mahal mo. Wala naman kasing magagawa yun; sirain mo man ang buhay mo, wala na din naman siyang pakialam sa’yo. Sinira na niya yung buhay mo, ayusin mo na lang ang sarili mo, wag mo ng dagdagan yung sira.

Hugot Quotes

3.Sa Pag-ibig wag kang magrereklamo kapag NASASAKTAN ka. Kase pag nagmahal ka, ‘Package Deal’ talaga na may saya at hapding madarama.

 

Kailangan talaga sa pag – ibig ang maranasan mong masaktan. Diyan kasi makikita kung paano mo itatayo ang sarili mo. Once kasi na masaktan ang tayo, that is when we realize, yan kung panahon na mas nakakapag – isip tayo. We take that experience to heart, at diyan tayo natututo. Pwede tayong matuto kung paano tumanggap ng pagkatalo at tumayo para magsimula ulit. Pero pwede ding sa halip na matuto tayo at tanggapin na natalo tayo, e lalo lang tayong maghangad ng hindi natin kayang abutin hanggang sa hindi na tayo makatayo ulit.

Hugot Quotes

4.Binabalewala mo ako, tapos magtataka ka kung bakit ako umiiwas sayo.

 

Huwag ka ng magtataka kung dumating yung time na may mga taong, kung dati e todo papansin sayo, ngayon e umiiwas na sayo. Nagsawa na kasi sila dahil di mo sila binigyan ng oras dati. Minsan kasi, nagagawa ng isang tao ang mga bagay na hindi nya pa nagagawa para lang mapansin natin siya. Pero tandaan mo, lahat ng bagay ay nagbabago, kaya habang maaga pa huwag mo ng babalewalain ang mga tao sa paligid mo. Baka kasi dumating yung oras na, ni isa, wala ng pumapansin sa iyo.

Hugot Quotes

5.Ang masarap sa pagmamahal ay yung hindi mo na kailangang magduda. Dahil alam mong sa puso at isip niya, ikaw lang ang NAG-IISA.

 

May mga tao lang talaga na kahit hindi nila hinihingi ang tiwala mo, makukuha at makukuha pa rin nila dahil tapat sila sayo sa kahit na anong gawin nila. Hindi ba napakasarap kung ang pundasyon ng isang relasyon ay nakaugat sa tiwala? Yung tipong kahit hindi mo siya nakikita o nakakasama, alam mong wala kang dapat ipangamba dahil para sa kanya, ikaw lang sapat na at hindi na niya kailangang maghanap ng iba.

Hugot Quotes

6.Hindi naman ako magagalit kung hindi mo na ako mahal. Hindi rin ako magagalit sayo kung may iba ka ng gusto. Ang ikakagalit ko lang ay yung ipinaramdam mong mahal mo ako pero hindi totoo.

 

Pinakamasakit kasi sa lahat yung maramdamang pinaasa ka lang ng taong gusto mo. Daig mo pa yung nahulog sa barko na binigyan ng butas na life boat. Yung alam mong kahit anong oras, lulubog ang sinasakyan mo. Masakit kasi sa pakiramdam yung umasa ka sa maling akala. Lalong lalo na kung pinapakita a pinaramdam niya na dapat kang umasa. Kaya naman napakasakit kung malaman mo sa huli na pina asa ka lang pala niya sa wala.

Hugot Quotes

7.Lahat ng bagay may hangganan. Kaya habang nasayo pa ang isang tao o anumang bagay, PAHALAGAHAN mo habang siya’y nabubuhay.

 

Life is too short para gawin ang lahat ng gusto nating gawin. Kaya hangga’t maaga pa, matuto na tayong magpahalaga sa kung anong meron tayo. Matuto tayong makuntento sa kung ano at kung sino ang nasa buhay natin ngayon. Huwag na nating hintaying dumating yung oras na pahahalagahan lang natin sila sa oras na huling – huli na ang lahat.

Hugot Quotes

8.Basta ingatan mo nalang yung taong mahal ka. Swerte mo kase, yung taong hinahangad ng iba sayo napunta.

 

Makuntento ka at huwag ng maghanap pa ng iba, may dahilan ang lahat ng bagay kaya sayo s’ya napunta. Kailangan mo lang naman talagang maintindihan na, kailangan mong pahalagahan ang taong nagmamahal sayo upang hindi na siya mawala. Intindihin mo na sa dami ng taong gusto siyang makuha, ikaw pa rin ang pinili niyang makasama.

Hugot Quotes

9.Swerte mo kung may taong walang sawang minamahal ka kahit madalas mo siyang saktan. Dahil mas pinili niyang wag kang pabayaan kahit na karapat-dapat ka ng iwanan.

 

Kung sa kabila ng lahat ng nagawa mo para sa isang tao ay hindi ka pa din niya iniiwanan, ibig lang sabihin nun, hinihintay niyang magbago ka. Ayaw niyang mapasama ka kaya kahit kailan hindi siya nagsasawa. Sila yung mga taong dapat mong ingatan at pahalagahan. Sila yung mga taong hindi dapat sinasaktan. Dahil sila yung mga taong, handa kang tanggapin at hintayin kang baguhin mo ang sarili mo, kahit na iniwan ka na ng ibang tao.

Hugot Quotes

10.Importante naman talaga ang pinagsamahan, Pero mas mahalaga ang pagsasabi ng katotohanan.

 

Hindi naman kasi talaga importante kung gaano na kayo katagal na magkakilala o kung gaano na kayo katagal na magkasama. Maaari kasing kahit na lagi man kayong magkasama, may pagkakataon pa rin na may tinatago ka sa kanya. Kaya mas mahalaga talaga ang pagsasabi ng katotohanan. Yung hindi man kayo kasing tagal ng iba, atleast wala kayong tinatago sa isa’t isa.

(Visited 93 times, 3 visits today)