6 Tips Para Hindi Masaktan Pagdating sa Pag-Ibig

Lahat naman tayo siguro naiinlove. Wala naman taong hindi dumaan sa ganung estado ng buhay. At syempre pag nai-inlove ka mag expect ka na masasaktan ka. So ito ang 6 tips para hindi masaktan pagdating sa pag-ibig.

pacute.com-6 tips para hindi ka masaktan-1

1. Makinig ka sa iyong mga magulang.

Walang mga magulang ang gustong masaktan ang kanilang mga anak, kaya todo sila payo sa atin ng mga dapat nating gawin para tayo ay hindi masaktan. Kapag sinabing mag-aral muna bago ang lovelife na yan, dapat mag-aral ka muna. Kalimutan mo muna ang iyong lovelife. Huwag kang maiinggit sa mga taong nasa paligid mo na may mga lovelife na. Ang isipin mo ay yung magiging kinabukasan mo. Pero hindi naman masama yung magkaroon ka ng inspirasyon sa school basta huwag mong papabayaan ang iyong pag-aaral at ang iyong sarili. Ang mga payo ng ating mga magulang ang siyang magdadala sa atin sa magandang kinabukasan.

pacute.com-6 tips para hindi ka masaktan-2

2. Don’t be the one who fall in love first.

Para di ka masaktan subukan dapat siya muna ang mai-inlove sa iyo. Kasi kung nalaman ng isang tao na gusto mo s’ya may posibilidad na mag-take advantage s’ya sa sitwasyon mo. Kapag nagawa niya iyon at nakuha na niya ang kanyang gusto at sa tingin n’ya ay wala ka nang pakinabang iiwan ka na lang n’ya na parang walang nangyari sa inyo.

pacute.com-6 tips para hindi ka masaktan-3

3. Huwag kang mag-assume.

Isa ito sa mga pinakamahalagang tip na nandito. Hindi lahat ng mga ipinapakita sa iyo ay totoo. Hindi porket sweet sa iyo yung tao ay may gusto na s’ya sa iyo. Malay mo sweet lang talaga s’ya sa mga friends n’ya at ganun s’ya sa lahat. Huwag kang mag assume na ang lahat ng ginagawa para sa iyo ay may meaning. Matuto kang makiramdam. Huwag kang mag-assume kasi masasaktan ka lang.

pacute.com-6 tips para hindi ka masaktan-4

4. Huwag kang mag-expect ng sobra.

Kung mag e-expect ka huwag yung sobra sobra. Kasi kung sobra sobra kang mag-e-expect tapos hindi nangyari ang iyong ine-expect ay masasaktan ka talaga. The more you expect sa isang bagay ay the more ka na masasaktan lalo na kung hindi nangyari o nameet ng expectations mo ang mga nangyari. Dapat hinay hinay lang sa pag expect.

pacute.com-6 tips para hindi ka masaktan-5

5. Love Yourself First

Sabi nila “mahalin mo una ang iyong sarili bago ka mag-mahal ng iba.” Wag mag madali at enjoy muna sa pagiging single kasi masasaktan ka lang.

Sa words na “I Love You” ang nauna a “I” bago ang “You” para ipakitang unahin muna nating mahalin ang ating sarili bago ang iba. Paano ka magbibigay ng pagmamahal sa iba kug ang pagmamahal mo sa sarili mo ay kulang? Dapat mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba. Irespeto mo ang iyong sarili para kapag nandyan na yung taong karapat-dapat mong mahalin ay mas alam mo na kung hanggang saan ang kaya mong ibigay. Kapag magmamahal ka magtira ka ng para sa sarili mo. Huwag mong ibibigay lahat ng pagmamahal mo para sa isang tao lang.

pacute.com-6 tips para hindi ka masaktan-6

6. Wag ka na lang ma-inlove.

Ito ang pinaka kritikal sa lahat. Huwag ka na lang ma-inlove para hindi ka masaktan. Hindi naman sa pamimilosopo pero isa ito sa mga pinakamahalagang tip dito. Kaysa ma-inlove ka ay mag silbi ka na lang muna sa Diyos, tumulong ka sa iyong mga pamilya, sumali sa mga iba’t ibang charities at activities na nakakagawa ng maganda. Kung may darating para sa iyo darating sa iyo iyan. Mag hintay ka lang. Huwag kang excited kasi masasaktan ka talaga.

Ito ang anim na tips na mabibigay ko sa inyo. Itong mga tips na ito ay opinyon ko lamang dahil hindi naman ako ang magdedesisyon kung ano ang dapat ninyong gawi para hindi kayo masaktan. Pero nirerecommend ko na tandaan ninyo ang mga tips na ito.

For more quotes visit us at pacute.com

(Visited 11 times, 1 visits today)
loading...