5 Tips Para Maging Masaya at Mahaba ang Inyong Relationship

Lahat naman ng may karelasyon ay gusto ng mahaba at masayang relasyon. Pero minsan dahil hindi sa pagkakaintindihan, hindi sumasaya ang relasyon na nag dudulot ng pag hinto nito. Kaya naririto ang 5 tips para maging masaya at mahaba ang inyong relationship.

pacute.com-5 Tips Para Maging Masaya at Mahaba ang Inyong Relationship-1

1. Magtiwala sa isa’t isa

Ang pagtitiwala ang pinaka-importante na dapat meron kayo sa relasyo n’yo. Dito nasusukat ang inyong pagmamahalan sa isa’t isa. Kung wala kang tiwala ay meron kang hinala. Ang paghihinala ay nakakaapekto sa isang relasyon dahil maiisip ng kapartner mo na may ginagawa kang masama para sa relasyon n’yo at dito nagsisimula ang away na nagpapahinto sa isang relasyon. Kailangan mo lang ng tiwala sa kapartner mo. Kapag may tiwala siya sa iyo, huwag na huwag mo itong sisirain. Ugaliing maging tapat sa iyong kapartner. Kung may problema man kayo na dapat pag-usapan, hayaan mong mag paliwanag ang kapartner mo. Huwag kang puro assume.

pacute.com-5 Tips Para Maging Masaya at Mahaba ang Inyong Relationship-2

2. Maging intimate o expressive

Dapat pinapakita mo lagi sa kapartner mo kung gaano mo siya kamahal. Maraming paraan kung paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa kanya tulad ng:

  • Pisikal na paglambing (pag-yakap, pag-halik, at iba pa)
  • Pagbibigay ng emotional support (pagdamay sa problema)
  • Pagtulong sa kanya na mag-grow bilang isang tao (pag hikayat na subukan ang ibang experiences)
  • Pakikipag-bonding sa kanya with activities na pareho kayong mag-eenjoy
  • Pagsasabi ng “I Love You” sa kanya

Kapag hindi ka marunong magpakita ng lambing sa kanya, sa iba yan maghahanap. Huwag kang mahiya na unang maglambing sa kanya.

pacute.com-5 Tips Para Maging Masaya at Mahaba ang Inyong Relationship-3

3. Matutong magparaya

Hindi pwedeng ikaw lang ang masusunod sa isang relasyon. Dapat equal kayong dalawa sa isa’t isa. Kung minsan ikaw ang nagdedesisyon para sa inyong dalawa, dapat minsan ay hayaan mo rin siyang magdesisyon para sa inyong dalawa.

pacute.com-5 Tips Para Maging Masaya at Mahaba ang Inyong Relationship-4

4. Ayusin ang mga problema

Hindi naman mawawala ang mga problema sa isang relasyon. Minsan may mga couples na may problema ay hindi naaayos dahil pataasan silang dalawa ng pride. Dapat marunong kayong makipag-usap sa isa’t isa ng mahinahon. Pag-usapan ninyo ang problema n’yo. Kung medyo mainit ang inyong sitwasyon, magpalamig muna kayong dalawa pero hindi kayo mag-hihiwalay. Huwag ninyong hahayaan na hindi masosolusyonan ang inyong problema.

5. Dapat pareho kayong marunong humawak ng pera

Sa totoo lang, tayong mga pinoy minsan medyo iresponsable tayo pagdating sa pera. Kapag hindi ka maruong humawak ng pera, malaking problema ang kalalabasan nito sa isang relasyon. Syempre ang inyong relasyon ay may sariling ekonomiya at importante na magpantay ang pananaw n’yo tungkol d’yan. Kung hindi pa gaanong katagal ang inyong relasyon at may balak kayong magpakasal, dapat balance ang inyong budget para mapag-handaan ng ayos ang inyong magiging kasal. Kung gastador ang isa, walang mangyayari sa inyong dalawa lalo na kung kasal na kayong dalawa. Mas maganda kung maaga pa lang ay mapag-uusapan niyo na ang mga kanya kanyang style niyo tungkol sa paghawak niyo ng pera.

Oo, importante ang magkaroon ng mahabang relasyon, pero importante rin na maging masaya ang healthy ang relationship ninyo. Sundin n’yo lang ang mga tips na binigay ko kung paano maging masaya at maging mahaba ang inyong relasyon.

For more quotes and hugot lines visit us at pacute.com

(Visited 9 times, 4 visits today)
loading...