2018 Top 10 Sad Quotes

1.”Mahal ka pero sinasaktan ka.”

Mahal ka. Oo pero kung di mo naman maramdaman yung pagmamahal nya
Wala rin. Mahal ka, pero binabalewala ka. Mahal mo ang tanong mahal ka pa ba?
Sya yung tumatakbo sa isipan mo sa magdamag. Pero ikaw ba? Naiisip nya rin kaya?
Ni minsan ba iniisip ka nya? Mga kuya/ate, Hindi pa huli ang lahat malaya kang
makakaalis sa ganyang klaseng relasyon. Hindi na tama ang magpakatanga ka sa ganyang
tao. Hindi mo sya deserve. At lalong dika nya deserve. Hindi lang sya ang nag-iisang
lalake/babae sa mundo.

2.”At patuloy kitang mamahalin kahit sa dulo ng kwentong ito, hindi pa rin ako ang pipiliin mo.”

“Isa nanamang katangahan to. Haha. Ito yung masakit e. Patuloy kang nagmamahal ng taong
alam mong hindi mapapasayo, isang taong simula umpisa alam mong hindi ikaw ang pipiliin nya.
Sana nga ganon lang kadali ang lahat no? Yung tipong pag ayaw mo na. Okey na agad yung
hindi kana masasaktan.Sobrang hirap. Sana nga ganon lang kadali na bitawan at iwanan ang taong minahal mo ng totoo. Pero hindi e, Dadaan at dadaan ka talaga sa sitwasyong durog na durog ka!”

3.”Handa akong magparaya. maging masaya kalang.”

Ganon naman talaga pag mahal mo e, kahit masasaktan ka.magpaparaya ka para sa ikaliligaya
nya. Mas lalo kalang masasaktan kung mananatili ka pa din sa kanya. Hindi naman porket sumuko ka
na, e talo ka.Napagod kalang. Napagod kalang sa pag-iintindi at pagtitiis sa taong di ka naman mahal
Kahit sino naman,pag binabalewala, pag nagmumuka ka nang tanga, maiisipan mong bumitaw.
Mapapaisip ka kung tama pa ba, kung tama pa ba na ipaglaban yung taong di na masaya sa
piling mo. Kung dapat pa bang pagtiisan o paglaanan ng oras at panahon yung taong walang ibang ginawa
sayo kundi ang saktan at balewalain ka. Siguro oras na para sarili mo naman ang mahalin mo.

 

4.”Umaasa pa rin kahit masakit.”

Maraming ganto e. Yung kahit alam naman nilang malabo na, nagtitiis pa. Yung kahit sila
nalang yung umaasa at naghihintay. Kahit nasasaktan na ng sobra. Nagtitiis pa din. At alam mo yung masakit?
Yung nagmahal ka ng taong dika kayang mahalin pabalik. Naghihintay ka sa taong mahal mo na, balang
araw, mamahallin ka rin nya. Ewan ko ba. Ugali talaga naten ang magmahal ng taong may mahal ng iba. Diko naman
nilalahat. Pero aminin mo, nalagay ka na rin sa ganyang sitwasyon.

5.”Wag kang mag-alala. Pagod na ako wala ng mangungulit sayo.”

Yan. Eto na yung mga natauhan. Mga nagising na sa katotohanan, Mga napagod na sa
sa kakaintindi sa mga taong hindi sila ang mahal. Pagod na kakahintay sa message, napagod na kakaiyak at kakahingi ng atensyon. Hinintay mo pa kaseng masaktan ka ng kainaman bago ka matauhan. Dapat umpisa palang kung nakakaramdam ka na, na hindi ikaw ang nagpapasaya sa kanya, dapat umiwas ka na din. Sabagay ganyan naman talaga tayo e, hindi titigil hanggat hindi pa nagmumukang tanga.

6.”Masama ako magselos pero mas masama kapag hindi na ako nagselos.”

Naiirita ka na ba sa gf/bf mong sobrang bilis magselos? Yung kahit wala na sa lugar
yung pagseselos nya? Kaya lang naman sila nagseselos kase ayaw nilang nasa iba ang
atensyon mo. Nasa iba yung oras mo na dapat para sa kanya. Natatakot lang na baka
maagaw ka sa kanya. Ayaw nila na may humahati sa oras at panahon mo para sa kanya.
Pero girls, wag namang oa sa pagseselos. Magselos kung kaselos selos ba. Hindi yung lahat ng
lumalapit sa boyfriend nyo, pagseselosan mo. Hindi naman masamang magselos. Ilugar lang.

7.”Kapag may problema, problema dapat ang tapusin hindi ang relasyon.”

Sa relasyon, hindi maiiwasan ang problema. Sa problema, malalaman kung gaano kaya katatag ng taong mahal mo, yung kahit ang dame nyo ng pinagdadaanan. Chill pa din kayo. Minsan kase sa relasyon kahit yung mga simpleng tampuhan lang nauuwe agad sa hiwalayan. Wag na wag kayong magbibitaw ng salita kung parehas kayong mainit ang ulo. Palipasin nyo muna ang galit sa puso nyo saka kayo mag-usap.

8.”Hindi ko alam kung bakit, pero mas pinili kita kahit ang sakit sakit na.”

Mahal mo kase kaya kahit ang sakit sakit na, di mo pa rin magawang iwanan at sukuan.
Kahit para sa kanya wala ka nalang. Kahit niloloko ka na. Konting suyo lang sayo, magpapakatanga
ka nanaman. Kahit harap harapan ka ng pinagmumukang tanga, nakakapit ka pa rin.
Mahal mo pa din. Hindi man sa mga oras na to, pero alam ko, susuko ka rin sa pagiging
martir mo. Mapapagod ka rin. Maiiwanan mo din sya, Susukuan mo din sya. Makakaya mo rin na wala sya sa
buhay mo. Hindi man ngayon pero bibitawan mo rin ang taong nanakit sayo at di nakikita ang kahalagahan mo. NOT NOW BUT SOON!

 

9.”Ginusto kita ng wala sa plano.Sana makalimutan din kita kahit hindi na ako magplano kung paano.”

Yung taong biglaan mo lang nakilala, pero mamahalin mo pala ng sobra.Yung akala mo sya na, pero hindi pa pala.
Kasama mo sa lahat. Kalokohan, Iyakan, Tawanan. Kasama mo sa pagbuo ng masasayang alala
Sabe nga nila pinagtagpo pero hindi itinadhana. Yung ang saya saya nyo tapos mauuwi din pala sa wala ang lahat. Yung mga pinaplano nyo para sa future yung dalwa sa ibang tao nyo na tutuparin parehas. Mamalayan mo nalang bigla na yung dateng masayang pagsasama nyo, galit na ang nangingibabaw. Wala ng magagawa kundi ang kalimutan ang isa’t isa. Masakit pero yun ang dapat.

10.”Pwede namang maibalik e, di nga lang tulad ng date.”

Sa umpisa ng relasyon, masasabi mong MASAYA pero sabi nga nila pag tapos ng
SAYA may kapalit na LUNGKOT. Walang perpektong relasyon, na masasabing HINDI NAG AAWAY.
Anjan yung magsasawa ka sa ugali nya. Mapapagod kang umintindi. Minsan kailangan mo pang magsinungaling para lang walang gulo. Hindi mo masabe sa kanya na nasasakal kana. Kase away lang din pagtapos. Anjan yung hinala, na pinagmumulan ng away/gulo. Hanggang sa napagod na ang isa sa inyo. Napagod na sa paulit ulit na nangyayare sa relasyon nyong dalwa. Magbebreak kayo, mawawalan ng gana sa isa’t isa. Babalik ang isa. Susuko. Makikipag-ayos at hihiling na bumalik na kayo sa date. Pero at the end of the day babalik kayo pero hindi na tulad ng date. Marame ng nabago at magbabago.

 

(Visited 1 times, 1 visits today)
loading...