08 Signs na may Crush siya sa’yo

08 Signs na may Crush siya sa’yo

Ang pagkakaroon ng crush ay nagsisimula kapag lagi mo siyang nakakasama at nakikita. Minsan mafo-fall ka na lang na hindi mo alam ang dahilan. Ang crush panandalian lamang ‘yan – panandaliang interests mo sa kanya, wag agad-agad magpapadala sa bugso ng damdamin, intayin mo munang magkagusto rin siya sa’yo bago ka umamin, nakapakahirap ma-reject.


1. Kapag kinakausap ka wag ipahalata na may feelings ka para sa kanya
Once na kinausap ka niya, wag kang maiilang, at iwasan ang mautal sa pagsasalita may tendency kasi na mahalata niya, bakit kaya ganito itong kausap ko? Iyan ang maaring tanong na maiisip niya; higit sa lahat huwag palingon-lingon, matutong mag-focus sa kausap, makipag-eye contact.


2. Kahit walang event nagreregalo
Isa ito sa madalas gawin ng isang taong nagkaka-crush/ nagkaka-feelings, magkukusang magbigay ng gift kapag sila ay nasinta.

3. Manlilibre kahit hindi nag-sabi si girl/boy
Tatanungin ka na lang bigla kung gusto mo nito or ng ganyan. Magbibigay peace-offering kahit walang kang ginawa sa kanya.

4. Gusto ka laging makita/ masulyapan
It is one of the main reasons why people fall in love, kapag kasi medyo napatagal ang tingin mo sa kanya, maaring ma-fall siya sa’yo dahil akala nya may pagtingin ka rin sa kanya. Konting sulyap mo kasi sa isang tao, ay maaring magkaroon ito ng meaning sa para kanya. At isa pa, yung taong in born na yung pagkurap ng mata, once na napatingin ka sa kanya, aakalain mo na kinikindatan ka n’ya.


5. Gusto ka niyang maka-chat
Kahit wala namang dapat pag-usapan; kapag nagtanong ka sa kanya, halimbawa nagtanong ka about sa project n’yo, kahit yun lang yung tinanong mo at ichinat mo hahaba at hahaba ang usapan nyo kasi kahit wala na sa topic ay magtatanong siya ng kahit ano, para lang maka-chat ka.


6. Tatawa sa mga mais mong joke
Kahit hindi katawa-tawa yung binigay/binato mong joke sa kanya ay matatawa siya. Or matatawa siya dahil gusto ka nyang sabayan/sakyan. Kung baga sa jeepney kahit sobrang mausok nung tambutso ay pipilitin pa rin natin na makasakay kasi importante yung pupuntahan natin (importante siya sa buhay mo).


7. Lagi ‘yang magpapagwapo/magpapaganda
Kapag dadaan si crush, kunwari tatalikod dahil may nakalimutan pero nagpapaganda/nagpapagwapo ‘yan. Yung babae hahalwat agad ng salamin sa bulsa nung bag at yung lalaki ihahagod agad yung kamay sa kanyang buhok.


8. Gusto ka lagi makasama
Sasabayan ka niya kahit s’an ka pumunta, kahit na may nagawa siya, isasantabi muna iyon para lamang samahan ka sa iyong pupuntahan.

 

(Visited 21 times, 1 visits today)
loading...